“HUWAG kayong magpapaloko!” Ito ang warning ng actress-singer na si Donnalyn Bartolome sa lahat ng kanyang kaibigan at social media followers pagdating sa usaping pera at pagtitiwala.
Ibinandera ng dalaga sa publiko ang tungkol sa isang taong nangutang sa kanya ng P1 million pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabayad.
Nag-post ang aktres at kilalang vlogger sa Facebook tungkol dito at sinabi nga na ang taong nangutang sa kanya ay isa ring content creator na ginagamit umano ang pangalan niya para makautang din sa iba.
Ipinost pa ng dalaga ang screenshots ng naging pag-uusap nila ng taong nangutang sa kanya sa kanyang Facebook fan page.
“Gandang birthday gift sa akin. Utang na 1 Million, gone just like that. This guy is not the only one na nakautang sa akin but he is using my name to fool people into lending him money.
“Kasi kung pinagkatiwalaan ka nga naman ni Donnalyn diba? I’m posting to say nagkamali ako. Wag kayo paloko,” ani Donnalyn na nag-celebrate ng kanyang 27th birthday kahapon.
Sey ng aktres, nangutang nga ang taong tinutukoy niya ng P1 million para gamiting “show money” sa bibilhin niyang kotse at babayaran din kinabukasan. Kailangan daw kasi na may P6 to 8 million siya sa kanyang bank account.
“Kahit sinabi mo lagyan ng interest, walang interest pa rin pinahiram ko sa ’yo because I don’t like taking advantage of people who needs help,” ang sabi pa ni Donnalyn sa isa sa mga screenshot na ipinost niya sa FB.
Aniya pa, “Di tayo close, nagpapicture ka lang sa akin 1 time. May mutual friends lang tayo that I trust kaya I video called you to confirm it’s you. Nakita ko sa mga post mo na di ka okay ngayon kaya I helped.”
Nag-offer pa raw ang taong ito na maging driver niya bilang bayad sa bahagi ng utang niya, “At saka what do you mean? How does you being my driver for 1 day will benefit me? collab? No, I’m good.”
Base pa rin sa post ng vlogger, noong July 1 ay nag-sorry sa kanya ang taong ito at nangakong magbabayad na sa July 2 ngunit nitong nagdaang Martes, July 6, nakatanggap siya ng mahabang mensahe.
“Idol Donna, di na po kaya ng konsensya ko sobrang nahihiya ako at natatangahan sa sarili ko idol (crying emoji). Gusto ko sana sabihin sayo yung totoo na naloko ako. (crying emoji). Natangay yung pera ko idol halos 4 million.
“Nasama yung pinaghiram mo sa akin idol. Sobrang sorry kaya di ako makapag-chat sayo ng update dahil sobrang nahihiya ako sa nangyari.
“Sobrang nakakahiya natangay yung pera ko at naka-collateral yung sasakyan ko dahil sa pinasok ko,” paliwanag ng nangutang kay Donnalyn.
Aniya pa, ibibigay na lang daw niya sa dalaga ang kita niya sa YouTube at magde-deposit ng P400,000 sa account niya pero hindi rin daw ito nangyari.
Mensahe naman ni Donnalyn, “To everyone I trusted, whether it’s hundreds of thousands or millions pa yan — the amount you lose is far worth more than all the money in the world and that is my trust.
“Pay up. Everyone who treats me with disrespect MINAMALAS. Don’t lose your friend’s trust,” dagdag pa niya.
Kasunod nito, may halong pagbabanta na ang kanyang post, “I’m not playing, iisa isahin ko kayo mga sumira sa tiwala ko. You guys are lucky I don’t want to use privileges like this cause I feel like mas may ibang case na need ng action. PAY UP.”
The post Donnalyn Bartolome naloko sa pera: Utang na P1 million, gone just like that! appeared first on Bandera.
0 Comments