NAHAWA pala ang hunk actor na si Diego Loyzaga ng COVID-19 matapos alagaan ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial nang tamaan din ito ng killer virus.
Ito ang diretsahang inamin ni Diego sa ginanap na face-to-face presscon kamakailan para sa TV series nila ni Cristine Reyes, ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “Encounter”.
“I was there with her. Pareho po kaming nagkaroon kasi hindi namin alam noong time na ‘yon. I was taking care of her then nagpa-test siya, it came out positive so I got to test din,” simulang kuwento ni Diego.
Aniya, wala siyang naramdamang symptoms nang tamaan ng COVID-19, pero kinailangan pa rin niyang mag-self-quarantine nang magpositibo sa virus. At makalipas daw ang dalawang linggo, negative na ang resulta ng kanyang swab test.
“Mas malakas lang ‘yung resistance ko sa kanya kasi it didn’t last long sa akin. Wala kong naramdaman, I’m asymptomatic.
“Wala pang two weeks, I tested negative already. Parang it passed me lang. Pero Barbie was okay, she got better. Malakas ‘yung si Bie, she’s strong,” aniya pa.
Nitong nagdaang Abril, kinumpirma ni Barbie na isa rin siyang COVID survivor pati na ang ilan pa niyang kasamahan sa nagtapos na Kapamilya series na “Bagong Umaga” tulad nina Tony Labrusca, Keempee de Leon, Heaven Peralejo, Sunshine Cruz at Nikki Valdez.
Pero paalala ni Diego sa publiko, kahit daw niluwagan na ang community quaratine sa bansa, kailangan pa rin ang tripleng pag-iingat dahil libu-libo pa rin ang nahahawa bawat araw.
“Honestly, I’m speaking for myself, it wasn’t difficult like other people experiencing it around the world. ‘Yung pinagdaanan namin wasn’t so bad, thank God.
“Pero the virus itself is not a joke kasi there’s people dying around the world because of it. Pero ‘yung sa aming dalawa, we were okay. Thank God,” pahayag pa ng leading man ni Cristine sa “Encounter.”
Napapanood pa rin ngayon sa TV5 ang “Encounter” kung saan ginagampanan ni Diego ang role na pinasikat ni Park Bo Gum, habang si Christine naman ang gumaganap sa character ni Song Hye Kyo sa Korean version nito.
At simula sa July 23, 2021, maaari nang mapanood ang “Encounter” sa Vivamax. I-stream na ito upang malaman kung bakit hindi makalimutan nina Selene at Gino ang kanilang pagtatagpo sa Ilocos kahit na bumalik na sila sa kanilang normal na buhay sa Maynila. Saksihan ang muli nilang pagtatagpo bilang boss at simpleng empleyado.
Sundan kung paano mabubuo ang kanilang relasyon sa kabila nang mga kontrabidang nakapaligid sa kanila, tulad ng ex ni Selene na si William Trevino, na ginagampanan ni Ivan Padilla, ang kanyang mother-in-law na si Helen, ginagampanan ni Isay Alvarez, at ang kanyang mga magulang na sina Cynthia at Andres, ginagampanan nina Maricel Morales at Robert Seña.
Kasama rin dito sina Yayo Aguila, Jeric Raval, Vitto Marquez, Aubrey Caraan, Benj Manalo, Raquel Montesa, Rey PJ Abellana, Candy Pangilinan, Raul Montesa, Josef Elizalde, Anna Jalandoni, at Louise delos Reyes.
‘Wag palampasin ang “Encounter”. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.
The post Diego nahawa ng COVID-19 matapos alagaan si Barbie: Pareho kaming survivor appeared first on Bandera.
0 Comments