Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

David ayaw pang magpa-sexy nang todo, gustong makatrabaho si Bea: I want to be John Lloyd Cruz for a day!

INULAN ng biro at tukso ang Kapuso hunk na si David Licauco dahil sa “bakuna photo” na ipinost niya sa social media.

Isa ang binata sa mga artistang nadagdag sa listahan ng mga nabakunahan na kontra-COVID-19 sa mundo ng showbiz.

Sa Instagram, nag-post ang hunk actor na kanyang litrato habang tinuturukan ng COVID-19 vaccine.

Aniya sa caption, “Vaccines are effective. I highly encourage everyone to sign up at their LGUs to get their shot. We can beat COVID together.” 

Sunud-sunod naman ang comments mula sa kanyang followers kabilang na riyan ang ilan niyang showbiz friends na aliw na aliw sa bakuna photo na ibinahagi niya kung saan tila kinakabahan siya dahil sa kanyang facial expression. 

Sabi ng dati niyang ka-loveteam na si Shaira Diaz, “Kaya pa ba David?” 

Sey ng isa pa niyang follower, “Shaket ba?”

“Ganya din ako, takot sa karayom,” ang komento naman ng kanyang fan.

Samantala, sinabi naman ni David na hindi niya in-expect na ire-renew pa ng GMA ang kontrata niya sa network kaya naman todo ang pasasalamat niya sa kanilang mga bossing.

Pangako niya sa management, mas sisipagan at gagalingan pa niya sa mga susunod na projects na ibibigay sa kanya.

Sa virtual presscon ng GMA para sa contract signing ni David, natanong ang binata kung may limitations o restrictions pa rin siya sa pagtanggap ng mga proyekto.

“Wala naman akong restrictions. As long as my manager thinks okay yung project for my career, I’ll do it,” tugon ng binata na huling napanood sa romcom series na “Heartful Cafe” with Julie Anne San Jose.

Sa tanong kung ready na rin siya sa mga sexy roles, “I want to maximize my youth muna. Pa-tweetums muna. In a few years, ipapakita ko na ang lahat!” 

Pangarap din niya na makatrabaho ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo, “I want to be John Lloyd Cruz for a day.”

Tungkol naman sa mga bashers, inamin ni David na nasasaktan siya kapag inookray ang kanyang akting, “Naiinis lang ako kapag bina-bash ako sa acting ko. Pinaghirapan ko yun at sensitive ako pagdating doon. I love my craft. 

“Alam ko naman way back sa mga projects ko na hindi ako okey. But I have proven myself and I’ve worked hard the past years. 

“One time there was a troll account. Ang bano ko raw umarte. Na-hurt ako at pinatulan ko talaga sa Twitter. Ang dami niyang alam sa mundo. Siya kaya ang magturo sa akin umarte,” sabi pa ng aktor. 

The post David ayaw pang magpa-sexy nang todo, gustong makatrabaho si Bea: I want to be John Lloyd Cruz for a day! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments