SIGURADONG bubuhos ng good vibes ngayong Hulyo sa highly-anticipated prequel ng award-winning sitcom ng GMA 7 na “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.”
Nauna nang inanunsyo ang star-studded cast nito na pinangungunahan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos na gaganap bilang mga batang Pepito at Elsa, kasama rin sina Kokoy de Santos, Archie Alemania, Denise Barbacena, at Kristoffer Martin.
Dahil dekada ’80 ang set ng prequel kung saan mapapanood ang makulay na kabataan ng mga bida, excited na rin ang viewers na sariwain ang mga nausong bagay noong ‘80s.
Mas na-excite pa ang fans ng show sa pasilip ng cast members na sina Gladys Reyes at Pokwang ng kanilang ‘80s look.
Komento ng isang netizen sa Instagram post ni Gladys, “Two best actresses in the industry drama or comedy man yan!”
Espesyal din para kay Gladys na mapabilang sa prequel dahil ito raw ang unang pagkakataon na sumabak uli siya sa trabaho matapos magka-pandemic, “Finally, it’s here, my answered prayer, my birthday gift! Grateful to be part of this family-oriented sitcom, that my kids can watch.”
Panoorin kung paano nga ba nagsimula ang love story nina Pepito at Elsa sa “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” ngayong Hulyo na sa GMA.
* * *
Patuloy ang bonggang line-up ng episodes ng “Wish Ko Lang” para sa 19th anniversary celebration nito. This Saturday (July 10), ang award-winning actor na si Christopher de Leon naman ang bibida sa episode ng nasabing GMA Public Affairs show hosted by Vicky Morales.
Exciting at medyo pakontrobersyal ang gagampanang role ni Boyet sa kuwentong may title na “Mr. Right” dahil isang beki ang karakter niya rito.
Isang talented na gown designer si Jake (Christopher). Kasama niyang namumuhay nang simple ang kaibigang si Georgie (Thou Reyes). Makikilala ni Jake sa isang pageant si Romeo (Shido Roxas), isang poging kontesero na kanyang bibihisan.
Mai-in-love si Jake kay Romeo but after a few years ng kanilang relationship, magde-decide si Romeo na hiwalayan si Jake dahil gusto nito ng sariling pamilya. Magkakaanak si Romeo sa kanyang asawa pero kalaunan ay mamamatay ito habang ang misis na si Sarah (Patricia Tumulak), hahanap ng ibang lalaki.
Kaya naman ang anak ni Romeo na si Kristof (Vince Crisostomo), makakahanap ng father figure kay Jake. Pero sa pagbabalik ni Sarah sa buhay ni Kristof, sino nga ba ang pipiliin niya — si Jake ba o si Sara?
Ang young Kapuso star na si Vince, aminadong kinabahan nang malaman kung sino ang makakasama niya sa anniversary episode na ito ng “Wish Ko Lang.”
“Siyempre considering na makakatrabaho ko si Mr. Christopher De Leon, who is a highly respected actor. Naging excited din ako para sa role ko dahil first time ko gagawa ng drama. Together with Mr. Christopher De Leon sobrang laking honor and opportunity para sakin and sobrang nakaka excite din,” say ng binata.
Si Shido naman, ibinahagi ang isang scene sa “WKL” na talagang tumatak sa kanya, “Yung eksena sa ilalim ng ulan,” na ayon sa kanya ay talagang mararamdaman ng viewers ang emosyon kaya dapat itong abangan.
Kung tatanungin din ang aktor kung naging madali na ba sa kanya ang role niya as Romeo dahil na rin sa mga nauna na niyang proyekto sa pelikula at telebisyon, lahat naman daw ay challenging, “Kahit anong role po, I try to give it justice by internalizing on the character. Lahat po ng mga naging roles may particular challenge po talaga.”
Huwag palampasin ang special episode ng month-long anniversary series ng “Wish Ko Lang” ngayong Sabado na 4 p.m. sa GMA 7.
The post Dasal ni Gladys tinupad ng ‘Pepito Manaloto’; Boyet kumasa sa ‘gay lover’ challenge appeared first on Bandera.
0 Comments