HANGGANG ngayon ay inaatake pa rin ng matinding takot ang aktres na si Cristine Reyes kapag bumabagyo at bumabaha.
Ibig sabihin, hindi pa rin nawawala ang kanyang trauma noong ma-stranded at ma-trap sa bubungan ng kanilang bahay sa Marikina noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy taong 2009.
Ilang oras din siyang nasa ganu’ng sitwasyon hanggang sa ma-rescue na nga ng ilang volunteer workers kabilang na si Richard Gutierrez na talagang nag-effort para mailigtas siya.
Sa kanyang Instagram account, inalala ng aktres ang naging karanasan niya noon sa Ondoy matapos ang nangyaring magnitude 6.6 earthquake kahapon na naramdaman sa Metro Manila at ilang kalapit probinsya.
Isang quote card ang ibinahagi ng kapatid ni Ara Mina sa IG na may nakasulat na, “She became strong by herself.”
Aniya naman sa caption, “Living on top of a building and then waking up with an earthquake made me jump out of my bed feeling so terrified.
“This weather gives me anxiety. It reminded me of the devastating flash flood caused by typhoon ‘Ondoy’.
“I have seen people got locked up trying to break their own windows and heard people screaming for help until you hear them no more.
“Some drowned and some like me were able to swim fast whilst assisting my precious little nieces, little sister and my mom.
“We all climbed up on the roof with baby snakes and rats dangling on my/our body. It was horrible and traumatic,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres.
Ayon pa kay Cristine, sa mga ganitong pagkakataon na feeling helpless talaga ang lahat, ang una raw niyang ginagawa ay ang magdasal at humingi ng guidance.
“In times like this.. when you have no control of things around you. There’s only one thing I consistently do. I speak to HIM.
“Bihira ako manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit palagi Siyang andyan. Palagi Niya akong sinasamahan. Siya talaga ang sandalan nating lahat,” pahayag pa ng celebrity mom.
Sa isang panayam noong katatapos lang ng Bagyong Ondoy, sinabi ni Cristine na hinding-hindi niya makakalimutan ang naging karanasan niya habang binabaha ang Marikina at unti-unting nilalamon ng tubig ang kanilang bahay
“Akala ko ending na naming lahat. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Buti na lang po ligtas kami.
“Salamat po ng marami sa mga tumulong. Pati po kay Richard at sa mga kasamahan niya dahil indi po biro ang ginawa niya para sa amin. Hindi po talaga biro,” ang mensahe noon ng aktres.
The post Cristine inaatake ng anxiety kapag bumabagyo, bumabaha dahil kay Ondoy: It was horrible and traumatic appeared first on Bandera.
0 Comments