UPANG magarantiya ang kalusugan at proteksyon ng mamamayan lalo sa panahon ngayon ng pandemya – ang COPPERMASK, kilalang produkto ng facial mask na may kakaibang disenyo at may taglay na copper strands ay napatunayang mabisa laban sa kalaban ng lahat – ang Coronavirus.
Ang all-new CopperMask Copper Strand-Infused Facial Masks ay una nang napatunayang may kakayanang humarang at pumuksa ng mga common bacteria and viruses base sa mga clinical testing na isinagawa sa China at Korea.
At ngayon nga, ay mas pinagbisa pa ng isang pagsusuri na nagpapatunay na – may potensyal n kakayanan ang coppermask na pumuksa o pumatay ng coronavirus by up to 99% sa loob lamang ng dalawang oras.
Sa pagsusuri na isinagawa ng Shanghai WEIPU Chemical Technology Service Co., Ltd. – isang ILAC-MRA certified research-based testing laboratory facility mula Shanghai, China (base sa ISO/IEC standards), ang CopperMask Antimicrobial Film ay sumailalim sa isang anti-viral assay test upang mapatunayan kung ito ay may kapasidad na pumuksa o pumatay ng coronaviruses.
Ang uri ng virus na ginamit sa anti-viral test ay tinatawag na GX-P2V (Guanxu Pangolin Coronavirus), isang uri ng coronavirus na kapamilya ng SARS-Cov2 mula sa mga Pangolins.
Ang Pangolins ay isang uri ng ant-eating mammal na karaniwang ginagamit sa mga tradisyunal na medisina mula sa China. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na maaaring nagmula ang SARS-Cov2 virus mula sa mga Pangolins.
Ang Corona Virus GX-P2V ay may higit sa 90% na pagkakatulad sa genome sequence at 92.2% structure resemblance sa SARS-Cov2 o mas kilala bilang COVID-19 virus.
Sa pagsusuri na ito, bakit hindi COVID-19 virus ang ginamit sa clinical test?
Ang SARS-Cov2 or Covid19 virus, na siyang puno’t dulo ng pandemya na yumanig sa buong mundo ay lubhang mapanganib at nakamamatay.
Sa kadahilanang ito at sa seguridad ng mga sumusuri, karamihan sa mga tumutuklas at lumilikha ng mga gamot, pamuksa sa mga mikrobyo kasama na ang mga bakuna ay gumagamit ng GX-P2V bilang alternatibo kaysa sa tunay na Covid19 virus.
Ito ay dahil sa malaking porsyento ng pagkakatulad ng kanilang katangian gaya ng amino acid sequence, ace receptor, at iba pa.
Upang mapatunayan kung epektibo at ligtas, ang CopperMask ay una nang sumailalim sa mga clinical tests mula sa mga mapagkakatiwalaang research testing facilities sa Korea at China.
Sa lahat ng mga pagsusuri na ito, maaari na bang sabihin na ang CopperMask ay isang medical-grade facial mask? Ayon sa WHO, ang isang medical mask ay may mga katangian gaya ng: 3 layers ng synthetic woven materials, filtration layers sa gitna nito, iba’t ibang kapal at level ng filtration at fluid resistance.
Ang CopperMask ay isang lifestyle facial mask. Dahil ang lahat ay nasa gitna pa rin ng pandemya, ang mga tao, lalo na ang mga nasa PIlipinas, ay walang ibang pagpipilian kundi ang magsuot nito.
Sa new normal na tinatawag, ang CopperMask ay nagbigay lamang ng kasiguraduhan na maaari kang magsuot ng facial mask na naaayon sa style na angkop sa pang-araw araw na pangangailangan gaya ng pagpasok sa trabaho, paglabas upang magpunta sa supermarket, pag-asikaso ng mga importanteng bagay at anupamang aktibidad, maliban na lamang sa mga lugar gaya ng ospital at mga pasilidad na pang-medikal kung saan ay mahigpit na ipinatutupad ang paggamit ng medical grade facial masks.
The post Coppermask napatunayang may kapasidad na pumuksa ng coronavirus hanggang 99% appeared first on Bandera.
0 Comments