Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

PALABAN at walang uurungang  project ang Kapamilya actress na si Charlie Dizon kahit pa kailangan niyang magpaseksi at magpaka-daring.

Isa si Charlie ngayon sa pinaka-busy na artista sa panahon ng pandemya, hindi talaga siya nawawalan ng trabaho sa ABS-CBN mula pa noong magsara ang network hanggang sa mag-lockdown dulot ng COVID-19.

In fairness, mula noong manalo siyang best actress sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Fan Girl” with Paulo Avelino, ay nagsunud-sunod na ang proyekto niya.

Tulad na lang ng bago niyang iWantTFC Original Series na “My Sunset Girl” kung saan makakasama niya sina Jameson Blake, Mylene Dizon at Joem Bascon.

“Minsan nao-overwhelm din ako sa mga nangyayari or pagsunud-sunod minsan or pag minsan gusto ko mag-prepare din ng matagal for a project. 

“Pero mas iniisip ko na mas9 blessed ako na tuluy-tuloy yung naging trabaho ko and hindi lahat ganito yung nae-experience.

“Kaya imbis na mag-focus du’n sa nabibilisan ako sa nangyayari, mas nagpo-focus ako na grateful ako na meron mga dumarating,” sabi ni Charlie sa nakaraang virtual presscon para sa “My Sunset Girl”.

Sa tanong kung marami na bang nabago sa buhay niya simula nang manalo siyang best actress sa MMFF at sa 4th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), nagpakatotoo lang ng sagot ang aktres.

“Sa totoo lang wala naman masyado nagbago. Ang nagbago lang siguro mas naging busy ako, mas nagtuluy-tuloy yung mga projects. Pero more than that, hindi ko kasi iniisip kung ako yung lead or kung ano yung role ko.

“Mas iniisip ko kung paano ko magagawa nang maaayos kada project. Kasi yun yung kinakatakot ko lagi, paano kung biglang mawala lahat ng ito sa akin? 

“Kaya lagi kong iniisip paano ko gagalingan kada project, kung paano ko maibibigay yung best ko.

“Hindi ko kasi naiisip na ako yung nagbibida ngayon, na ganu’n kalalaki yung binibigay na role sa akin. Kasi mas nape-pressure ako kaya ayoko na lang isipin yun,” paliwanag ni Charlie.

Pagkatapos ngang pag-usapan ang mga daring scenes niya sa “Fan Girl”, sinabi ni Charlie na handa na rin siyang sumabak sa mas mature na roles.

“Yes depende sa konsepto ng material, kung kailangan talaga yung ganu’n. Kung mas mapapaganda yung istorya or yung mismong project. Okay lang. 

“For me, kung mas mapapaganda yung character and mas magmumukhang human yung character, yun yung mas importante sa akin. Wala sa akin kung daring or wholesome,” chika ng dalaga.

Mapapanood na ang iWantTFC Original Series na “My Sunset Girl” simula sa July 14, 8 p.m.. Ito’y sa direksyon ni Andoy Ranay. 

The post Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments