GUMAWA ng ingay ang naging tanong ng veteran TV host na si Boy Abunda sa isang kandidata para sa question and answer portion ng 2021 Binibining Pilipinas grand coronation night.
Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ng madlang pipol ang kontrobersyal na question ni Tito Boy na isa nga sa mga celebrity guest panelist na nagtanong sa mga semi-finalists sa Q&A sa pamamagitan ng isang pre-recorded video.
Bukod kay Catriona Gray, trending din sa Twitter ang TV host dahil nga sa naging katanungan niya kay Karen Laurrie Mendoza na nagmula sa Iloilo.
“Ngayon, madalas nating naririnig na it’s okay not to be okay. My question is: when is it okay not to be okay and when is it not okay to be not okay?” ang kabuuan ng tanong ni Tito Boy.
Tugon ni Karen, “You know, sometimes, it’s hard to move on especially that if we lost our loved ones. When we’re depressed, when we have anxiety, but most of all, when we want to move forward9 in life.
“You know, my favorite saying in a movie—Disney, Inside Out—is ‘Embrace your sadness.’ Because in embracing your sadness, you will feel ahhh…you will feel happiness afterwards. Thank you,” aniya pa.
Nagbigay naman ng reaksyon ang isa sa mga host ng pageant at beauty queen din na si Nicole Cordoves sa sagot Laurrie. Aniya, “very graceful” pa rin daw sa pagsagot ang dalaga kahit “very challenging” ang question ni Tito Boy.
Kasunod nga nito, kanya-kanya nang paandar ang mga netizens na na-challenge ring sagutin ang tanong ng TV host kaya naman naging trending topic din ang”Tito Boy” sa Twitter Philippines habang ginaganap ang pageant.
Narito ang ilang comments ng mga netizen sa nakakalokang question ni Tito Boy.
“Ms. Iloilo is one of the strong contenders for this batch. Period. It’s just that aminin natin na may kahirapan talaga yung tanong ni Tito Boy Abunda buuuut very timely and relevant ang question ni Tito B! Infairness. And that’s a fact!”
“Reconstructed ang question ni Tito Boy from ‘When is the right time to speak and when is the right time to listen?’ into that na ‘to be not okay’ chuchu eh. So feel ko, the answer will be… CHAROT, mahirap talaga siya. Tricky and logical. May mga Q&A na namang magagamit.”
“When is it okay to not be okay and when is it not okay to be not okay?”
“Tito Boy, it’s never OK. It will never be OK. *Sobs and leaves stage. Charought! Ahahaha!”
“Tito Boy it’s okay that we are okay but after your question we’re not okay.”
The post Boy Abunda agaw-eksena sa 2021 Bb. Pilipinas; netizens na-challenge sa tanong kay Miss Iloilo appeared first on Bandera.
0 Comments