Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Bianca Gonzalez binanatan matapos magkomento sa pagkapanalo ni Hidilyn sa Tokyo Olympics

NAKATIKIM ng pamba-bash ang TV host na si Bianca Gonzalez mula sa ilang netizens dahil sa naging komento niya sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo 2020 Olympic Games.

Hindi kasi nagustuhan ng mga ito ang pahayag ni Bianca na tila ginagawang gender-equality issue ang success ng mga babaeng atleta sa ginaganap ngayong Olympic Games.

Si Hidilyn ang kauna-unahang Filipino athlete na nakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas matapos magkampeon sa weightlifting competition.

Nagpiyesta ang buong sambayanan sa tagumpay ni Hidilyn kabilang na ang mga local celebrities at isa nga si Bianca sa agad bumati sa tinaguriang weightlifting fairy.

Tweet ng TV host, “BABAE!!!!!!!!!!!! ABANTE BABAE!!!!! MABUHAY KA HIDILYN!!!!!”

Bukod dito, binati rin ni Bianca ang Filipina featherweight boxer na si Nesthy Petecio na nakaabot sa semifinals ng Tokyo 2020 Olympics, “Isa paaaa!!!! ABANTE BABAE!!!!”

Dahil dito, pinagsabihan ng mga netizens si Bianca at sinabing dapat daw ang ginamit niya ay “Abante Pilipinas”. Ang mga ganitong pahayag daw kasi ang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga kababaihan.

“Kaya dini discriminate mga babae dahil puro kayo kayo rin mismo ginagawa nyong issue pagiging babae,” sabi ng pumuna sa TV host.

Hindi naman ito pinalampas ni Bianca at dumepensa sa kanyang naging pahayag, “Kapag sinabi naming Abante babae hindi ibig sabihin na babae lamang ang dapat umabante.

“Ilang daang taon na ang kalalakihan ang nabibigyan ng mga oportunidad kaya’t kapag may babaeng nagtatagumpay, ipinagbubunyi natin para mas marami pang kababaihan ang mapagbigyan,” paglilinaw pa ni Bianca.

Aniya pa, “It’s this narrative of ‘kaya dini-discriminate ang mga babae dahil ginagawa ninyong issue ang pagiging babae’ that keeps us from reaching true gender equality.

“We push for women’s empowerment precisely because TOO MANY WOMEN feel like they have no voice and are put into this box.

“Men can be true allies by supporting, encouraging and empowering the women in their lives to do what they want and dream big dreams.

“Hindi yung, ‘eto ka lang kasi babae ka lang.’ Hindi kami ‘babae lang.’ BABAE KAMI,” aniya pa.

Ni-repost din ni Bianca ang tweet ng isang babaeng netizen na nagsabing ang dating sa kanya ng naging pahayag ng TV host ay parang nakikipagkumpitensiya sila sa mga lalaki.

Sagot ni Bianca sa kanya, “Just because we want to empower women, does not mean that we want to ‘disempower’ men.”

The post Bianca Gonzalez binanatan matapos magkomento sa pagkapanalo ni Hidilyn sa Tokyo Olympics appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments