Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Barbie, Jak nabiktima rin ng sindikato sa FB: To whoever made this, you’re welcome!

NABIKTIMA rin ng sindikato sa social media ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. 

Isang Facebook page ang nagpakalat ng pekeng balita na naghiwalay na raw ang magkasintahan dahil nakalimutan daw ni Jak ang monthsary nila ng girlfriend.

Makikita sa nasabing pekeng FB page na ginamit pa ang style at itsura ng logo ng Inquirer.net (Einquirur.net ang nakalagay sa post) ang fake news na in-announce na raw ng magdyowa ang kanilang break-up.

May kalakip pa itong isang artcard na may litrato ni Barbie na nagpapaliwanag kung bakit daw sila naghiwalay ni Jak gamit ang dating viral vlog tungkol sa kanilang exchange gift.

Nang makarating ito sa Kapuso actress, agad niya itong ipinost sa kanyang Twitter account kung saan libu-libo na ang nagkomento, nag-like at nag-share.

At marahil dito nabahala ang aktres dahil kahit maliwanag na fake news ang nasabing FB post ay marami pa rin ang naniwala at tumulong pa sa pagpapakalat ng pekeng balita.

Ang caption ng dalaga sa kanyang tweet, “125 Reactions, 25k Comments & 68k Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome.”

Halata namang fake na fake ang balitang ito dahil bukod sa logo na ginamit ay kaka-upload lang ni Jak ng bagong vlog sa YouTube kasama si Barbie. Mapanonood sa nasabing video ang pagpapabakuna ng magdyowa kontra COVID-19.

Samantala, naglabas na rin ng official statement ang Inquirer.net hinggil dito: “Netizens and our own Inquirer.net social media team have informed us about a Facebook account that apparently parodies our official FB account.

“We’d like to inform the public, particularly our readers, that this FB account is in no way connected with Inquirer.net. We also urge the public to disregard or ignore this account.

“We have reported this matter to FB for their prompt action and have asked our lawyers to take the appropriate legal measures against the parties behind this unscrupulous act.”

The post Barbie, Jak nabiktima rin ng sindikato sa FB: To whoever made this, you’re welcome! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments