ISANG bonggang papuri at pasasalamat ang ipinaabot ng World Health Organization (WHO) sa sikat na sikat ngayong Korean boy group na BTS.
Ito’y matapos ngang isama ng award-winning K-pop group ang sign language sa music video ng kanilang latest English hit single na “Permission to Dance.”
Sa ulat ng GMA, nagpasalamat ang mga taga-WHO sa BTS dahil sa pagmamahal at pagiging sensitibo sa kanilang supporters na may mga kapansanan.
Sabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang director general ng WHO, sa pamamagitan ng paglalagay ng sign language sa kanilang bagong music video ay natulungan ng BTS ang mahigit 1 bilyong katao na may diperensya sa pandinig o deaf.
“Thank you, @BTS_twt for including sign language in your #PermissiontoDance music video.
“As 1.5 billion people in the world are affected by hearing loss, sign language can help them to continue enjoying music which can bring joy to life,” ang mensahe ni Tedros sa nasabing K-pop group.
Samantala, pati ang sikat na English singer-songwriter na si Elton John ay napa-react sa bagong kanta ng mga Korean performers na sikat na sikat na rin ngayon sa buong mundo.
Pinalitan kasi ni Elton ang lyrics ng “Permission to Dance” na “When it all seems like it’s wrong just sing along to Elton John,” at ipinost sa Twitter.
“When it all seems like it’s right, I sing along to @bts_bighit #permissiontodance,” ang post pa ni Elton patungko sa BTS.
Nito lamang nagdaang July 9 ni-release sa YouTube ang official music video ng “Permission to Dance” at sa loob lamang ng dalawang araw ay umabot na sa 100 million ang views nito.
Kasama ang track na “Permission to Dance” sa CD version ng “Butter.”
The post Bakit pinuri at pinasalamatan ng WHO ang BTS? appeared first on Bandera.
0 Comments