MARAMI ang naimbiyerna nang masulat ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account recently na tatakbong senador si Cong. Vilma Santos-Recto.
“Ang galing naman na magpapalit puwesto pala sa darating na eleksiyon sila Ralph Recto at Vilma Santos. Tutoo pala iyon una natin nasagap na balita na sa Senado na tatakbo si Vilma Santos at sa Congress naman si Ralph Recto.
“Suwerte talaga ng Batangas dahil tutok sa progress ng bayan ang mag asawang Recto. Talagang mula ng pumasok sa pulitika si Ate Vi hindi na niya ito maiwan, napamahal na sa kanya, nasanay na siya at nagustuhan na niya ang public service.
“Ang masarap kay Vilma Santos, iyon linya niya sa showbiz hindi niya pinutol. Ganuon parin niya kamahal ang lahat ng nakasama niya sa industriya, kaya naman lahat sa showbiz mahal na mahal siya at natutuwa sa tagumpay niya sa bago niyang mundo, ang politics.
“Magandang addition sa Senado si Ate Vi, bongga siya duon. Tiyak with open arms na tatanggapin siya ng mga daratnan niyang Senador, Sen Vilma Santos, welcome! Fighting!”
‘Yang post ni Aling Lolit. Marami ang nadismaya at tumalak kay Ate. Vi.
“A good example of palamuti sa politics. mag movie na lng cya may mas sense pa kesa another terms of palamuti pasasahurin ng taong bayan (tax) na walang ginawagawa. don’t forget c recto ang dahilan ng value added tax or e-vat.”
“Korek kapit tuko…i agree. sila umuunlad not the people.”
“Tagal na ho nila sa politika, hindi man lang ho umuunlad ang Batangas. Sila lang ang umuunlad. Makikita mo ang mga pulitikong dapat iboto sa probinsiya, o kahit saang lugar kung umuunlad.”
“Jakjajajajakak kamote Vi ala Money Pakyaw in the august halls of the Senate! juskoooh magkaklat lng sha dun!”
“Forever Vilmanian ako pagdating sa showbiz pero sana sa age nya ngayon na marami na sya napatunayan maging showbiz man o politics sana mag pahinga na sya, relax & enjoy her millions. Let her husband stay in politics kung gusto pa ni Sen Ralph. #opinionkolang #proudbatangueña.”
* * *
Higit sa 45,000 na manonood sa buong Pilipinas ang nakisaya sa pag-arangkada ng bagong segment ng “It’s Showtime” nina Vice Ganda na “Madlang Pi-Poll,” ang kauna-unahang interactive game sa isang Pinoy noontime show kung saan pwedeng sumali ang mga nakatutok sa bahay.
Inilunsad noong nakaraang Sabado ang live segment kung saan maaaring makisagot ang viewers sa mga tanong at manalo ng mga papremyo gamit lamang ang kanilang laptop o mobile device.
Sa “Madlang Pi-Poll,” parehong sasagutin ng studio players at home viewers ang mga katanungang may katumbas na cash prize. Kapag nahulaan nang tama ng studio players ang sagot ng karamihan ng home viewers, sa pot money nila mapupunta ang premyo. Kapag hindi naman, sa pot money ng home viewers madadagdag ang premyo.
Unang sumabak bilang studio players ang mga komedyanteng sina Juliana Parizcova Segovia, Tonton, at Iyah Mina at nag-uwi ng kabuuang P45,000. Samantala, tatlong home viewers naman ang naghati-hati sa P60,000.
Niyakap agad ng mga netizen ang “Madlang Pi-Poll” kaya naman naging numero unong trending topic sa Twitter ang hashtag na #MadlangPiPollPower. Pinuri rin nila ang “It’s Showtime” para sa malikhain at makabagong paraan para maabot ang mga Kapamilya.
Sabi ni @whatsupjared, “Congratulations, Showtime fam and ABS-CBN! Sa kabila ng maraming limitasyon ng network, tuloy-tuloy pa rin ang innovation, pagpapasaya, at pagtulong sa madlang pipol. Maraming salamat, Kapamilya! #MadlangPiPollpower #KapamilyaForever.”
Dagdag naman ni @iamivango2, “Hats off to @itsShowtimeNa! The Madlang Pi-POLL segment is another brilliant idea. It’s highly engaging & interactive. Nasa bahay ka lang pero pakiramdam mo studio contestant ka. One thing that makes the noontime show strong is its creativity & innovation.”
Para makasali sa laro tuwing Sabado, mag-log in sa www.joinnow.ph/showtime o i-scan ang QR code na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa live segment sa “It’s Showtime.”
The post Ate Vi tuloy na raw ang pagtakbong senador; ‘Madlang Pi-poll’ ng Showtime patok agad appeared first on Bandera.
0 Comments