Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ate Guy nagpaliwanag kung bakit naka-wheelchair: Wala po akong malubhang sakit

NAALARMA ang mga kaibigan at tagasuporta ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor nang kumalat ang balita na may malubha siyang karamdaman.

May mga litrato kasing naglabasan sa social media na nakasakay si Ate Guy sa wheelchair na ginawan naman ng kuwento ng ilang vloggers sa YouTube.

Sa pamamagitan ng mga nasabing litrato, gumawa na agad ng balita ang mga iresponsableng YouTubers at sinabing nakaratay daw ngayon ang veteran at award-winning actress dahil sa malubha nitong sakit.

Base sa paglilinaw ng ilang Noranians, ang mga litrato ng Superstar na nakaupo sa wheelchair ay unang ipinost sa kanyang Facebook account. Dito makikita ang aktres na tsinetsek ang ipinaaayos na garden sa bagong bahay na nilipatan niya sa Quezon City.

Enjoy na enjoy daw ngayon si Ate Guy sa pag-aasikaso sa kanyang garden at bukod dito inaayos na rin ang isang bahagi ng kanyang bahay kung saan idi-display ang sandamakmak niyang mga trophy at memorabilia.

Kung minsan daw ay naglilibot ang aktres sa buong bisinadad ng nilipatang bahay habang nasa wheelchair dahil madali raw itong mapagod ngayon at kung minsan ay hinihingal pa.

Samantala, naglabas din ng statement ang Superstar para hindi na mangamba at maalarma ang kanyang mga supporters.

“Sa mga nag-alala sa akin, lalo na ang mga sumusuporta sa akin ay gusto ko lang ipaalala na okay po ako.

“Wala po akong malubhang sakit, gaya po ng napapabalita.

“Gusto ko ring ipaabot ang aking pasasalamat sa pagmamahal at concern na ipinapakita ninyo sa akin.

“Lagi po ninyong tatandaan, mahal na mahal ko po kayo,” sabi ni Ate Guy sa kanyang mensahe.

The post Ate Guy nagpaliwanag kung bakit naka-wheelchair: Wala po akong malubhang sakit appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments