Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Anne Curtis naiyak sa ‘Gandemic’ concert ni Vice Ganda: Ikaw lang talaga ang makapagpapalabas sa akin nang ganito

SULIT na sulit ang ibinayad ng mga nanood sa bonggang digital concert ni Vice Ganda na tumagal nang halos tatlong oras.

Napanood namin ang “Gandemic: The VG-Tal Concert” kagabi sa ktx.ph streaming site ng ABS-CBN na nagsimula ng 9 p.m. at natapos ng nga ng 12 midnight. 

In fairness, ang bongga ng mga production number at iba pang mga pasabog na paandar ni Vice sa kanyang kauna-unahang digital show, kabilang na riyan ang duet nila ni Ice Seguerra.

Tawa rin kami nang tawa sa comedy skit ni Vice kasama ang mga kaibigan niyang stand-up comedian na sina Negi at Petite. Dito, talagang malaya nilang nasasabi ang mga gusto nilang sabihin with matching murahan pa.

Pero ang talagang naging highlight ng show para sa amin ay ang pagsasama muli nina Vice at Anne Curtis sa isang stage. Ito ang unang pagkakataon na mag-perform uli ang TV host-actress sa harap ng madlang pipol mula nang isilang ang anak na si Dahlia noong March 2020.

Parehong naiyak sina Vice at Anne sa una nilang pagkikita up close and personal. Sabi nga ng komedyante, “Hindi kami nagkita talaga at all. Hindi kami nagkita sa rehearsal. Ito lang yung first time.

“Gusto ko dito lang tayo magkikita, at saka ayokong lumabas ka. Siyempre, may bagets. Sabi ko, one time big time lang lalabas si Anne. Huwag nang palabasin.

“Kanina, naiiyak na ako nang makita kita, pero sabi ko hindi. I really miss you so much,” pahayag ni Vice.

Sagot ni Anne, “Ikaw lang talaga ang makapagpapalabas sa akin nang ganito, to do this again.”

Sey naman ng comedian, “Hindi kasi siya lumalabas kasi, siyempre, may baby kaya nga isang tawag ko lang sa kanya, nag-yes naman siya, pero suntok sa buwan iyon. But I would understand if you will say no. Siyempre, nanay, hindi naman rampa-rampa lang ito.

“Alam mo ang saya ko, nag-guest ka, pero bukod doon, ang pinakamasayang part, nakita kita uli. Yung mga kinanta natin, puro para sa iyo talaga iyon, I am officially missing you,” sabi pa ni Vice.

“Ang ganda ng mga pinili mong songs, pero kaya rin ako naiiyak kasi ang hirap nilang kantahin,” pag-amin ni Anne na ang tinutukoy ay ang “I Will Always Love You,” ni Whitney Houston.

Sabi pa ng asawa ni Erwan Heussaff, “Ang feeling ko naman, gumanda yung voice ko kahit paano kaya lang, may pinipili na lang talaga siyang kantahin nowadays.”

Tinanong din ni Vice ang kaibigan tungkol sa pagiging nanay niya, “Honestly, it’s the best thing in the world. It’s the best thing that ever happened to me. Bringing life into this world and having my own, hindi nga mini me, mini Erwan.”

The post Anne Curtis naiyak sa ‘Gandemic’ concert ni Vice Ganda: Ikaw lang talaga ang makapagpapalabas sa akin nang ganito appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments