Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho? – Andoy Ranay

“AANHIN mo ang franchise kung basura naman ang trabaho?” Ito ang tumatawang sabi ni Direk Andoy Ranay sa panayam sa kanya ni “TV Patrol” reporter MJ Felipe sa virtual mediacon ng “La Vida Lena” ni Erich Gonzales.

Ginunita ng mga naiwang Kapamilya stars at mga empleyado ang unang anibersaryo sa pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN at isa na nga riyan si direk Andoy.

Ayon sa Kapamilya direktor, “A year ago, I remember it was the most difficult time working because we were working that time, we’re finishing the (serye) one with Kim Chiu (sabi ni MJ, Love Thy Woman).

“We’re finishing that and we were the first ones to go back to work.  Unfortunately, we were in ABS (CBN) that time.

“It was the most difficult time and it was the most painful time because you know, you’re working for that company you love, you’re working for the people you love, you’re working for your family and then done!

“And looking at it, I know it’s not going to be easy for every one especially ‘yung mga katrabaho namin na hindi na namin makikita ulit or sa ibang kumpanya na nagtatrabaho pero since maliit naman ‘yung industriya natin nakikita mo pa rin sila pero hindi na sila Kapamilya,” mahabang pahayag ni Direk Andoy.

Ipinakita naman sa video sina Beauty Gonzalez, Maja Salvador, Pokwang, Billy Crawford at Bea Alonzo na naglipatan nga ng network.

Dagdag pa niya, “But the best part is the reason why I stayed and continue serving with ABS-CBN is because I believe the content that ABS-CBN is producing no matter what may franchise o wala is world class quality!

“’Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow!  Ha-hahaha! Grabe! I mean di ba? 

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho pero alam mo na ‘yung quality ng trabaho ‘yung maibibigay mo sa audience mo ay in the service of the Filipino, we have responsibility to our audience. Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo.”

Sabi nga ni MJ ay nakakatuwa at nakakataba ng puso na isa si direk Andoy sa nanatiling loyal sa network.

“Oh yes! Kapamilya nga, eh. No matter what, magloko man ‘yan, umalis man ng landas Kapamilya mo pa rin ‘yan, susuportahan mo all the way lalo pa pag nasaktan siya, lalo kang dapat na nandoon at sinusuportahan mo hanggang sa makabangon siya ulit kasi parte ka no’n, eh,” paliwanag ng direktor.

Si Andoy Ranay ang direktor ng teleseryeng “La Vida Lena” ni Erich kasama sina Carlo Aquino, Sofia Andres, Kit Thompson, JC de Vera, Agot Isidro, Mylene Dizon, Janice de Belen at marami pang iba na umeere ngayon sa A2Z, Kapamilya Channel at TV5.

Si direk Andoy din ang manager ng aktor na si JC Santos na isa ring certified Kapamilya.

                                                           

The post Aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho? – Andoy Ranay appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments