Nakapagpatayo ang Globe ng 212 na mga bagong cell site sa Metro Manila para sa unang anim na buwan ng 2021 sa kabila ng mga hamon na dala ng quarantine restrictions at mga protokol na pangkalusugan.
Napapanatili ng kumpanya ang momentum sa pagbuo ng kinakailangang imprastraktura ng ICT para mapabuti ang mga serbisyo sa mobile at internet. Patuloy nitong naaabot ang tina-target na dami ng cell site para sa kasalukuyang taon.
“Kami ay lubos na umaasa na ang mga bagong cell site ay makakatulong na makapagbigay ng mas magandang karanasan sa mobile para sa aming mga customer dahil ang connectivity ay isang mahalagang bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Alam namin ang kanilang mga alalahanin kaya ginagawa namin ang aming makakaya para agad matugunan ito. Ang mga cell site na ito ay tiyak na makapagbibigay ng magandang serbisyo hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga kalapit na lalawigan,” ayon kay Joel Agustin, Globe SVP para sa Program Delivery, Network Technical Group.
Ang pagsisikap ng Globe na mag-rollout ng network mula noong Enero ay nag-resulta rin sa mas maraming naitayong mga cell tower sa Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Cebu, Bulacan at Pampanga.
Mayroong hindi bababa sa 39 na mga bagong tower ang itinayo sa mga pangunahing lokasyon sa Cavite, 26 sa Rizal, at 25 sa Batangas at Laguna. Hindi bababa sa 17 na mga bagong cell site ang inilagay sa Cebu, Bulacan at Pampanga sa unang kalahati ng taon.
Idinagdag pa ni Agustin na nagpapatuloy din ang mga kahalintulad na aktibidad sa mas maraming lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang walang tigil na paggawa ng Globe para mapabuti ang estado ng pagkakakonekta ng bansa ay nag-resulta sa pagiging pinaka-consistent na mobile network nito sa dalawang magkasunod na quarter ng 2021, na pinatunayan naman ng Ookla®.
Nanatiling nangunguna ang telco sa mobile consistency sa buong bansa kumpara sa kumpetisyon. Ang Consistency Score ng Globe sa Q1 2021 ay 70.43 at sa Q2 2021 ay 75.98[1]
Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), partikular ang UN SDG No. 9 na binibigyang diin ang papel na ginagampanan ng imprastraktura at innovation sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nangangako rin ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at 10 sa 17 UN SDGs.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.
The post #1stWorldNetwork: 212 cell site itinayo ng Globe sa NCR mula Enero-Hunyo 2021 appeared first on Bandera.
0 Comments