NAGLULUKSA ang entertaiment industry pati na rin ang Philippine media sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Kaninang umaga ginulat ang sambayanang Filipino ng malungkot na balitang patay na si P-Noy matapos isugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City.
Bumaha ng mensahe ng pakikiramay sa social media para sa mga naulila ng dating presidente, kabilang na riyan ang pamamaalam ng ilang showbiz at media personalities.
Bukod sa mga taong malalapit kay P-Noy, nakiramay din ang ilang mga personalidad na nakalaban niya noon sa politika. Narito ang ilan sa mga nagpahayag ng mensahe ng pamamaalam kay P-Noy.
Sabi ni Korina Sanchez, forever niyang ite-treasure ang pagkakaibigan nila ng dating Pangulo at ang naibigay nitong serbisyo sa bansa.
Ayon sa ulat, ang asawa ni Korina na si Mar Roxas ang isa sa mga naunang pumunta sa Capitol Medical Center matapos mabalitaang isinugod doon si Noynoy.
“Sad day. Gone too soon. Many presidents have come and gone. But PNOY I knew. Thank you for your friendship. Most of all, gratitude for service to our country.
“Godspeed. Bon voyage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes,” pahayag ni Korina.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto sa mga naulila ni Noynoy, “Taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni former President ‘NOYNOY‘ Aquino.
“Our sincere condolences and prayers. Rest in peace, PNoy. Salamat po sa inyong serbisyo sa bayan.”
Ito naman ang ipinost ng TV and film director na si Joey Reyes sa kanyang social media account, “Regardless of your partisan choice, today we mourn the passing of a past leader of our republic. We bow our heads in prayer and due respect. God bless you, Mr. Aquino.”
Mensahe naman ng TV host na si Bianca Gonzalez-Intal para sa pamilya Aquino, “Such a sad day. Rest in peace, former President Noynoy Aquino. Thank you for your service and love for our country. My sincerest condolences to the loved ones he leaves behind.”
Naglabas din ng saloobin ang mga OPM icon at kilalang supporter ni P-Noy na sina Leah Navarro at Jim Paredes na nagpaalala pa sa mga legacy na naiwan ng dating pangulo tulad ng “Daang Matuwid” campaign.
“You insisted on calling us your Bosses. Walang Corrupt, Walang Mahirap — you accomplished most of that dream. You paved our Daang Matuwid and kept to it. You made us proud to be Filipino. It was an honor to serve you. So much more to say, but always #SalamatPNoy,” tweet ni Leah Navarro.
“A friend I greatly admired has passed on. It is shattering. I give you my fervent, respectful salute for all you have done,” pahayag naman ni Jim.
Ang ilan pang artistang nakiramay sa pamilya Aquino ay sina Pokwang, Janine Gutierrez, Jake Cuenca, Jaya, Christian Bautista, Mark Bautista, Jake Ejercito at marami pang iba.
Narito naman ang mensahe ni Vice President Leni Robredo sa pagpanaw ni P-Noy na kilala ring malapit na kaibigan ng namayapa niyang asawa na si Jesse Robredo.
“Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si PNoy. Mabuti siyang kaibigan at tapat na Pangulo.
“He tried to do what was right, even when it was not popular. Tahimik at walang pagod siyang nagtrabaho para makatulong sa marami.
“He will be missed. Nakikiramay ako sa kanyang pamilya,” sabi ni VP Leni.
The post Vilma, Korina, VP Leni, Bianca, Jim iba pang celebs nakiramay sa pagpanaw ni Noynoy Aquino appeared first on Bandera.
0 Comments