Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

MATINDI rin ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mental health ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

Emosyonal na ibinahagi ng TV host-comedian sa madlang pipol ang pinagdaraanan niyang challenges sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya sa bansa.

Inamin ni Vice na may mga pagkakataon sa kanyang pandemic life na bigla na lang siyang maiiyak na hindi niya alam kung ano ang dahilan.

“Ang alam ko lang malungkot ako. Ang alam ko lang hindi ako okay. It just happens na wala kang magagawa. There is a war going on outside so hindi ka talaga lalabas,” pahayag ni Vice sa chikahan nila ng kaibigan at dating talent manager na na si Ogie Diaz sa YouTube channel nito.

“Ganu’n kapag may giyera. Hindi ka namang pwedeng, ‘Eh ano kung may giyera eh bagot na ako? Eh ‘di rampa ako.’ Hindi naman pwedeng ganu’n. Bagot ka or hindi, kapag may giyera, magtatago ka,” chika pa ng Kapamilya TV host.

Pag-amin pa ni Vice, apektado rin daw ang pagiging artist niya pati na ang kanyang creativity bilang komedyante. Inihalimbawa pa niya ang nangyari sa taping ng bago niyang ame show sa ABS-CBN, ang “Everybody, Sing!”

“Nu’ng first taping ng ‘Everybody, Sing!’ praning ako kasi 25 people ‘yung haharapin ko bukod pa sa crew. Eh, ayaw ko nga ng maraming tao. 

“Nasanay ako sa segment na ako lang tapos may co-host tapos ‘yung isang contestant kinakausap ko. Hangga’t hindi pa sila sasalang, nasa ibang lugar sila.

“Nu’ng first taping day, sobra akong takot. Feeling ko binalot na ako ng takot ko. Ang laman na lang ng utak ko, ‘yung natatakot ako. 

“Ayaw ko masyadong dumikit sa contestant. Sa sobrang kapraningan ko, natapos ‘yung episode na feeling ko talaga hindi ako magaling,” lahad pa niya.

Sa katunayan, hindi aprubado kay Vice ang nai-tape nilang pilot episode kahit na may go signal na ang management sa pag-ere nito.

“Meron akong standard for myself. Alam ko ‘yung potentials ko, alam ko ‘yung kaya ko. Alam ko talagang hindi ako ‘yun. Hindi ako ganu’n mag-interview, mabilis ako, madami akong nasasabi sa isang contestant. 

“Nabagalan ako sa sarili ko. Sila okay pero sabi ko, hindi ‘yun ang kaya ko. Ito ‘yung effect sa akin nu’ng pagkakakulong ko.

“Ang learnings ko, ang education ko nasa kalsada. Nu’ng nawala ‘yun, feeling ko pumurol talaga ako. It caused me so much pain discovering that I wasn’t as good as I was in the past,” paliwanag ng komedyante.

“Gising ako na ‘Ay hindi ako magaling du’n.’ So nu’ng sumunod na episode, binongga ko talaga ng todo,” diin pa niya.

Samantala, bukod sa pagpapasaya sa madlang pipol, sinabi ni Vice na desidido siyang ipagpatuloy ang trabaho niya sa gitna ng pandemya dahil nais din niyang ipaglaban ang pag-ere ng mga ABS-CBN show.

“I will be a hypocrite kapag sinabi kong hindi kasama iyan sa gusto ko, na gusto kong may mapatunayan kami sa ABS-CBN na kahit ginanyan niyo ‘yang network namin, we can still make it. ABS-CBN, the Kapamilya network, will not just survive. We will thrive. We will thrive in the midst of this crisis.

“Mahal ko ‘yung ABS. Mahal natin ang ABS kaya pinipilit nating itaguyod kasi mahal natin ‘yung ABS, pamilya iyan eh. ‘Di ba ganun ang pamilya mo? 

“Kaya mo pinipilit kahit hirap na hirap ka na kasi patutunayan mo, hindi lang sa ibang tao kung ‘di pati sa sarili mo, na kaya namin ito. Hindi tayo babagsak ng tuluyan. Hanggang sa dulo ng hininga natin, hindi tayo papayag na madudurog ang pamilya natin. Itatayo at itatayo natin iyan.

“Inilalaban ko kasi mahal na mahal ko yung ginagawa ko. Mahal na mahal ko yung ‘Showtime.’ Mahal na mahal ko ‘yung pagpapatawa. Kasama na siya sa paghinga ko. I am fighting for this because this is my life. I am fighting for my life,” pagpapakatotoo pa ng TV host at comedian.

The post Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments