Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Rabiya hindi na pina-follow sa IG ang non-showbiz BF; tuluyan nang naghiwalay?

‘WE’RE friends.” Ito ang huling sinabi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo tungkol sa relasyon nila ni Neil Salvacion na isang nurse sa kilalang hospital sa Metro Manila.

Nabanggit ni Rabiya sa panayam niya kamakailan kay Boy Abunda na “complicated” ang status ng relasyon nila ngayon ng kanyang boyfriend.

Aniya, kailangan daw nilang mag-usap pagdating niya sa Pilipinas sa susunod na buwan at sinabing hindi naman niya isinasara ang pintuan na magkabalikan sila dahil ayaw naman nitong sayangin ang pitong taon nilang relasyon.

Pero kamakailan ay napansin ng mga supporters nina Rabiya at Neil na hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Hudyat na nga ba ito na tuluyan na silang naghiwalay at ayaw na nilang makita ang feed sa kanilang IG ng isa’t isa araw-araw?

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay kaka-post lang ni Rabiya ng larawan niya (silhouette) habang nasa bintana ng kuwarto, nakatingin sa malayo at papasikat naman ang araw sa bandang kaliwa niya.

Ang caption ng dalaga sa kanyang post, “Praying for stronger spirit and tougher heart everyday.”

Pinusuan ng netizens ang post na ito ni Rabiya na umabot na sa 54.8k at nakakuha na ng kulang-kulang 1,000 comments na karamihan ay heart emoji at “Love you, Queen”.

Sinilip din namin ang IG account ni Neil at nakita namin ang litrato ng Persian cat na katabi niyang natutulog sa kama na ipinost niya kagabi.

Ano nga kaya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa? May kinalaman kaya ito sa paglaban ni Rabiya sa Miss Universe 2020 at sa pagkatalo ng dalaga sa pageant?

Nagkaroon kaya sila ng matinding away o hindi pagkakaintindihan o bigla na lang nilang naramdaman na hindi pala sila para sa isa’t isa?

The post Rabiya hindi na pina-follow sa IG ang non-showbiz BF; tuluyan nang naghiwalay? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments