Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Monching pinaiyak ng mga anak; Janine may pangako sa tatay ngayong Father’s Day

ANG mga anak nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez ang guest sa “Magandang Buhay” kahapon bilang bahagi ng Father’s Day celebration.

Natanong ng isa sa host ng show na si Jolina Magdangal kung sino sa apat ang close sa kanilang tatay at nanay.

Sabi ni Janine, “Si Diego talagang kay papa.”

Pero hirit ni Diego, “Actually paborito nila ako pareho.”

Sabi rin ni Jessica, “Actually pag only boy siya talaga (favorite). Pag galitin namin si Mama galit talaga, pero pag siya (Diego) bati na sila kaagad.”

“Pero si Max din at si papa bestfriend,” sabi naman ni Janine.

Dagdag pa ng dalaga, “Tawag namin sa kanya Monchita.”

Sumang-ayon naman ang bunsong si Max, “Pareho pa kami ng nunal sa ilong.”

Natanong ni Jolina si Janine kung gusto nito ng kulitan at comfort na takbuhan ay sa tatay niya siya pumupunta at hindi sa ina.

“Yes, si papa kasi ano ‘yan sobrang cool, sobrang chill parang barkada kapag kasama kahit sa mga kaibigan namin, never siyang nakakatakot or anything,” sambit ng panganay na anak nina Lotlot at Monching.

Hirit naman ni Melai Cantiveros, “Paano ninyo ide-describe ang tatay n’yo?”

“Papa is the best! Basta if you need anyone to save you at any time of the day it will be papa just call him and he’ll be there in twenty minutes,” kuwento ni Max.

Dagdag naman ni Jessica, “Actually pwede mo rin siya i-text ng 2 a.m., ‘Papa, I’m hungry.’ Mga 20 minutes, may pagkain na sa kama mo.”

Ayon naman kay Janine, “Ako naman ilang beses na akong na-flatan sa Pampanga, sa Cavite, pupuntahan ka niya talaga.”

At si Diego, “Growing up talaga, idol ko si Papa kasi, you know, watching him, kasi he used to be a race car driver. So every weekend nasa Subic kami, Sunday, pinapanood ko siyang mangarera, nakikita ko kung gaano siya ka-happy doing what he’s doing. Nu’ng bata ako, gusto ko rin maging race car driver.

“As a father naman, he’s just really been there for us ever. No fail, lagi siyang nandiyan para sa amin. So kapag may future family na rin ako, gusto ko kahit half lang ng effort ni Papa sa amin, puwede na, kasi grabe talaga ‘yung effort niya para sa amin,” ani Diego.

Hindi alam ng magkakapatid na matagal na silang pinapanood ng ama kaya nagulat sila nu’ng tawagin ito ng mga host.

Nagulat na sabi ni Janine, “Pa, marunong kang mag-online mag-isa nandito kami lahat?”

Sa tanong kay Monching kung paano naman niya ilalarawan ang mga anak nila ni Lotlot.

“’Yang mga anak ko talagang very, very mababait ‘yan, very respectful, very generous.  Mga oras nila, kita nila ay ipinamamahagi nila sa pamilya, ibig ko sabihin talagang mababait sila (pigil ang luha),” kuwento ng aktor.

“Pa, you’re gonna cry?” tanong ni Janine.

Mula naman kay Max, “Papa is super, super the best. Sabi nga nila na ma-flatan ka. Masungit lang yan ng 5 minutes. He’s really the biggest softy. Nu’ng first time akong magkaroon ng trip out of the country, umiiyak si papa sa parking lot palang. Ha-hahaha!”

Natanong naman si Janine kung ano ang maipapangako niya sa ama bilang panganay na anak.

“Siyempre promise ko kay Papa na palagi akong nandito para sa kanya. ‘Yung parents kasi namin hindi sila strict eh, parang hinahayaan nila kami, nagtitiwala sila sa mga desisyon namin.

“And maipapangako ko talaga kay Papa na hindi ko siya idi-disappoint. Sa lahat ng trabaho ko, ginagawa ko, sila talaga ‘yung iniisip ko and ‘yung mga kapatid ko. And nandito lang kami para sa kanya. And nakakaiyak nga, ‘no? My gosh,” tumawang sabi ni Janine.

Sa pagpapatuloy niya, “Pero ‘yun, mahal na mahal talaga namin si Papa, and binibigay niya talaga lahat sa abot ng kanyang makakaya. Pero napansin ko nga na ‘yung mahalaga pala talaga sa amin is ‘yung nandyan siya, hindi yung mga naibigay niya. 

“So ‘yun din yung maibibigay namin sa kanya na nandito lang kami palagi para sa kanya.”

At ang pangarap ni Monching para sa mga anak, “Ako ang pinapangarap ko for them yung maabot nila ‘yung mga pangarap nila. Maabot nila kung ano ‘yung dreams nila. Maging successful sila sa mga trabahong napili nilang gawin.

“Yung sinasabi nila na the best dad ako? Hindi. Sa totoo ‘yung mga anak ko, ‘yan ang mga the best. Ano lang ako. All I give them is ‘yung effort, ganun. So ‘yun lang,” nanginginig ang boses na sabi ng tatay ng magkakapatid at tuluyan na ngang bumagsak ang luha nito at sabay takip ng mukha sa camera.

Dagdag pa niya, “Yung oras ko lang para sa kanila, ‘yun yung ano eh. Hindi ko man maibigay sa kanila lahat, basta lagi akong nandyan para sa kanila.”

The post Monching pinaiyak ng mga anak; Janine may pangako sa tatay ngayong Father’s Day appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments