Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mga Filipino nurse sa ibang bansa naiyak sa paglabas ng Pinay actress sa ‘Grey’s Anatomy’

MAS nabibigyan na ngayon ng oportunidad at pagkakataon ang mga Filipino actors sa mga international projects, lalo na sa Amerika.

Kamakailan, proud na proud ang mga Pinoy all over the universe, lalo na ang mga local celebrities, nang mapanood ang isang Filipino character sa longest-running medical drama sa US na “Grey’s Anatomy.”

Gumanap bilang Filipina nurse na tinamaan ng COVID-19 si Aina Dumlao sa June 3 episode ng sikat na TV series. Talagang pinag-usapan ito nang bonggang-bongga sa social media dahil marami ngang kababayan nating frontliners ang naka-relate sa role ng Pinay actress.

Mas lalo pang naging proud kay Aina ang sambayabang Filipino nang mapanood siya sa nakaraang episode ng “Bawal Judgmental” sa “Eat Bulaga.”

Naikuwento ni Aina na apat na beses na niyang nire-represent ang Pilipinas sa mga naging project niya sa US. Taga-Quezon City siya at 11 years na siyang naninirahan sa Amerika kasama ang asawa na isa ring actor, director at writer.

“Nagsimula ako dito siguro 6 or 7 years na akong artist dito and sa ‘Grey’s Anatomy’ ako yung unang Filipino na tinampok bilang Filipino-American nurse.

“Nakakataba po ng puso kasi maraming emotional na messages lalo na sa mga nurse abroad na nasa gitna ng pandemic na hindi nare-recognize…all of a sudden ang daming nag-contact sa akin na, ‘Uy, Filipino ka ba?’ 

“Sabi ko, ‘Yes, Filipino ako!’ Tapos may mga umiiyak pa na, ‘Uy, yung accent mo Pinoy na Pinoy,’ so napakasaya ko naman,” pagbabahagi ni Aina.

Aminado siya na hindi rin naging madali para sa kanya ang makapasok sa entertainment industry sa US pero kinarir talaga niya ang pag-o-audition doon.

“Mahirap (ng audition) kasi COVID. Dati mag-o-audition ka sa harap ng mga casting director dito, pero ngayon, dahil in the middle of a pandemic tayo, vinideo ko na lang yung sarili ko, tinape ko na lang. Yung asawa ko kasi artista at saka director kaya tinutulungan niya ako na mag-audition,” aniya pa.

Ayon pa sa aktres, sana raw ay magtuluy-tuloy na ang pagbibigay ng magagandang opportunities sa mga Filipino actors abroad, “Nagbabago na sana, the tides are hopefully changing. Pero dito, kapag naghahanap sila ng Asian, hindi nila iniisip na Filipino. 

“Kadalasan kapag Asian, Chinese or Japanese or Korean. Hopefully nagtse-change na siya ngayon na more representation na for all of us,” sabi pa ni Aina.

Samantala, bukod sa guesting niya sa “Grey’s Anatomy,” bida rin siya sa Australian comedy-drama series na “The Unusual Suspects” kung saan makakasama rin niya ang “The Lord of The Rings” actress na si Mirando Otto.

“Kaming dalawa yung bida. Sa Australia siya nag-premiere last June 3. Major representation din siya ng Filipino dahil isa siyang heist show parang ‘Oceans 8’ pero ang mga bida ay mga Filipino. Ipalalabas din siya internationaly soon.

“It’s a nice kind of pressure, more of honor na sana, yung mga doors at saka mga bintana na natulungan kong buksan e, more Filipinos can come here at mas madali na yung experience nila kaysa sa na-experience ko the last six or seven years. More for everybody,” kuwento pa ni Aina.

The post Mga Filipino nurse sa ibang bansa naiyak sa paglabas ng Pinay actress sa ‘Grey’s Anatomy’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments