NA-CREMATE na ang labi ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaninang hapon sa Heritage Park sa Taguig.
Mismong ang bunsong kapatid ni P-Noy na si Kris Aquino ang nagbigay ng kumpirmasyon sa media ilang oras matapos maayos ang lahat ng detalye sa burol ng kanilang kapatid.
Ayon pa sa TV host-actress, may isasagawang misa sa Ateneo de Manila University bukas habang sa Sabado na magaganap ang libing sa Manila Memorial Park kung saan din nakalibing ang kanilang mga magulang na sina dating Presidente Cory Aquino at former Sen. Ninoy Aquino.
“The cremation is already finished… On Saturday, we will bury him beside our parents in Manila Memorial.
“Ganu’n kasimple lang. Sana maintindihan niyo na we did not think it would happen this soon. We are just trying our best na hindi magkaroon ng super spreader event,” pahayag ni Kris.
“He could have been lying in state in Malacañang pero nirerespeto namin na hindi lahat ng tao sa Pilipinas ang nababakunahan so what we have decided as a family right now, we know that there are people waiting outside.
“We spoke about it our plan was really to take the urn of our brother with us pero bibilisan lang namin dito,” paliwanag ng aktres.
Aniya pa, “Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga nagpapadala ng kanilang mga condolences.”
Pinasalamatan din ni Tetay ang Malacañang at si Pangulong Rodrigo Duterte.
Pumanaw kaninang umaga, 6:30 a.m. ang dating Pangulo matapos isugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City.
“Renal disease secondary to diabetes” ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Siya ay 61 years old.
The post Labi ni Noynoy Aquino na-cremate na; ililibing agad sa Sabado appeared first on Bandera.
0 Comments