Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalang aktor magaling umarte pero pasaway sa taping; problema ng production

NAKASABAY ng aming kaibigang filmmaker ang isang aktor sa pagpagpabakuna ng COVID-19 vaccine kamakailan at ipinrisinta nito ang sarili na kung may project na ginagawa ang una ay libre siya ngayon at kailangan niya ng trabaho.

“Sabi niya, ‘direk baka you have project, I’m available. Need to work, lam mo na,” tsika sa amin ng direktor.

Wala naman daw problema ang aktor pagdating sa pag-arte dahil mahusay at nakaka-deliver naman, ang problema ay ang working habits nito. 

Mahirap daw gisingin ang aktor na kailangan dalawa hanggang tatlong oras daw bago magising kaya matagal na naghihintay ang mga kasama nito sa set.

Sa lock-in shoot nga raw ng isang project na kasama ang aktor ay madaling araw palang ay ginigising na nila ito kapag 7 a.m. o 8 a.m. ang call time.

“’Yung iba, 6 a.m. gising na at mga 6:30 pupunta na sa location. Itong si ____ (aktor) 5 a.m. palang dapat ginigising na tapos maghihintay ka ng isang oras bago lumabas ng kuwarto or more. E, hello paano naman ang production staff, gigising siya nang maaga para kalampagin siya?” tsika pa sa amin ni direk.

Kaya matagal magising ang aktor ay dahil hindi ito natutulog kapag oras na ng tulugan, kung anu-ano pa ang ginagawa at kahit wala ng kausap ay okay lang sa kanya at nagkakalikot ng cellphone niya at panay ang hitit ng sigarilyo.

Ang alam namin ay inalok ang aktor para sa isang project pero hindi niya type kaya naghahanap ng ibang trabaho.

Bread winner ang aktor at nakukulili ang tenga niya kapag tumatawag na ang pamilya niya para sa mga pambayad ng bills, pang-grocery at iba pa.

Sabi naman ng isa pa naming kaibigan na nakatrabaho na ang aktor, “Mabait ‘yan, walang problema. Kaso kapag sinumpong na nag-iibang anyo.”

Ano ang ginagawa kapag nag-iibang anyo? “Kung ano yung napapanood mong karakter niya sa mga series at pelikula niya, siyang-siya.”

The post Kilalang aktor magaling umarte pero pasaway sa taping; problema ng production appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments