MATINDI ang ginawang paghahanda ng Kapuso actor-TV host na si Ken Chan para sa bago niyang role sa upcoming drama series na “Ang Dalawang Ikaw.”
Grabe ang preparasyon ng binata sa kanyang pagganap bilang lalaking may mental disorder — mula sa pagbabasa ng script, pag-intindi sa bawat karakter na gagampanan niya hanggang sa pagre-research tungkol sa kanyang sakit.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Ken kung paano siya inatake ng nerbiyos at takot nang ialok sa kanya ang karakter nina Nelson at Tyler na magkakaroon ng Dissociative Identity Disorder (DID).
“I’ll be honest, when GMA told me that my next role would involve a character facing a Dissociative Identity Disorder, at the immediate news, I got initially nervous,” simulang pahayag ng Kapuso actor.
Alam din daw niya na hindi magiging madali para sa kanya ang nasabing proyekto pero tinanggap pa rin niya ang hamon dahil napakaganda ng materyal at naniniwala siya na marami silang maibabahaging kaalaman sa manonood tungkol sa mental condition na DID.
“I knew it wasn’t going to be easy pero sobra akong excited. It is a very sensitive topic kaya kinailangan kong mag-aral at ang masusing pagre-research about this condition.
“Also, I really needed a workshop dahil hindi madali ang gagawin ko at gusto kong tama ang mensahe na mapapanood ng mga Kapuso viewers,” pahayag pa ni Ken.
“Nanood din ako ng mga pelikula na may kinalaman sa DID. Nakatulong din sa akin at marami akong natutunan sa mga documentaries na napanood ko,” sabi pa ng binata.
Bukod dito, kasama rin nila lagi sa taping si Dra. Babes Arcena na isang psychiatrist, “Nasa set siya palagi para i-guide ako sa mga eksena namin.”
Dagdag pa niya sa kanyang IG caption, “YES. Hindi madali ang pagbuo ko kay Nelson, Tyler at sa iba pa. Malapit niyo na silang makaharap. Ngayong Hunyo sa GMA Afternoon Prime!”
Ayon sa Mayo Clinic, “DID formerly known as the multiple personality disorder, is characterized by feeling the presence of two or more people talking or living inside your head and switching to alternate identities.”
Mapapanood na sa GMA ang seryeng “Ang Dalawang Ikaw” ngayong buwan kung saan makakasama muli ni Ken ang kanyang ka-loveteam na si Rita Daniela.
The post Ken laging may kasamang psychiatrist sa taping: Alam kong hindi magiging madali appeared first on Bandera.
0 Comments