Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kasalang Kris-Perry sa Setyembre na; 100 bisita ipapa-swab nang libre

NAGLUWAG na ba ngayon pagdating sa bilang ng mga dadalo sa isang kasalan?

Kaya namin ito naitanong ay naikuwento kasi ni Kris Bernal sa morning show nina Camille Prats at Iya Villania na “Mars Pa More” na aabutin sa 100 ang guests sa kasal nila ng kanyang fiance na si Perry Choi.

Sabi ng aktres, ipapa-swab test nila ang lahat ng bisita para safe. Gaganapin ang wedding sa Setyembre ngayong taon.

Kuwento ni Kris, “Dapat talaga, ang wedding ko talaga supposed to be is June. Super prep ako. Lahat naka-schedule na ang prenup (shoot).  Naka-schedule na ‘yong meetings with suppliers. And then nga, sa situation natin kailangan ulit namin siyang i-move. 

“So, ang hirap mag-move (petsa ng kasal) kasi ‘yong mga church puno na. And then ‘yung ibang suppliers they also have other schedules na. So talagang hirap na hirap kami maghanap ng bagong date.

“Actually, ngayon ko lang iri-reveal na September na ‘yong wedding namin. Hindi ko pa na-reveal ever kahit sa social media kung kelan talaga. Finally, September na talaga,” ani Kris.

Nabanggit pa niya na sobrang gastos ng preparations dahil nga sinasagot din nila ang swab test ng mga supplier sa tuwing may meeting sila.

“Ang hirap lang kasi lahat ng preps online. And then, magastos like every time may prenup kami or every time makikipag-meet kami sa suppliers, lahat ng swab talaga sagot namin,” sambit ng aktres.

At heto na, 100 nga raw ang guests nila, “And then du’n sa wedding namin, hindi kasi s’ya intimate, e. Hindi siya ‘yung 20 lang. Hindi siya ‘yung 10. Hundred pax kasi kami so isipin mo hundred ‘yung isa-swab (test) namin and more pa. So, medyo malaki ‘yung gastos saka mas nakakapagod siya ngayon.” 

Noong nakaraang Pebrero, 2020 pa na-engage si Kris sa long time boyfriend niyang si Perry at dahil inabutan ng COVID-19 pandemic kaya na-postpone ang kasal nila nitong Hunyo 2021.

* * *                                                          

Inabangan at tinutukan ng mga Pinoy ang simula ng seryeng “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano pagkatapos nitong humakot ng viewers sa iWantTFC at gawin itong numero unong free entertainment mobile app sa Pilipinas.

Noong weekend, nanguna ang iWantTFC sa listahan ng free entertainment mobile apps sa Google Play (Android) at App Store (iOs) sa bansa dahil sa panonood ng fans ng unang episode ng “He’s Into Her” na unang naging available noong Biyernes (Mayo 28).

Sa naturang araw, naitala rin ng “He’s Into Her” ang pinakamaraming users na sabay-sabay gumamit ng iWantTFC – doble sa daily average users nito – sa dami ng mga sumubaybay sa nakakakilig na unang pagkikita ng mga karakter nina Donny at Belle na sina Deib at Maxpein.

“He’s Into Her” na rin ang pinakapinapanood na show sa iWantTFC kahit wala pang isang linggong ipinalabas ang unang episode nito. Maingay ring sinalubong ng fans ang serye kaya naman nanguna sa trending topics sa Twitter Philippines ang hashtag na #HesIntoHerNOWSTREAMING.

Linggo-linggo, iWantTFC users sa buong mundo ang unang makakapanood ng bagong episodes ng “He’s Into Her” tuwing Biyernes, 8:45 PM (Manila time) – dalawang araw bago ipalabas ang mga ito sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live tuwing Linggo ng 8:45 p.m..

The post Kasalang Kris-Perry sa Setyembre na; 100 bisita ipapa-swab nang libre appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments