SIGURADONG matutuwa at mas lalo pang mai-in love ang mga Kapuso viewers sa pasabog na finale episode ng well-loved Kapuso primetime series na “Heartful Cafe” tonight.
Handang-handa na ang pagse-serve ng last cup of coffee ng inspiring romcom series ng GMA ngayong gabi, June 18, as it airs its final episode.
Sa huling pag-ariba ng “Heartful Café”, kakaririn na ni Heart Fulgencio (Julie Anne San Jose) ang pagsusulat sa ending ng kanyamg movie script.
Challenge sa kanya kung sino sa dalawa niyang persistent suitors na sina Ace Nobleza (David Licauco), her charming business partner sa cafe, at Uno Ynares (EA Guzman), ang kanyang nagbabalik na ex-dyowa ang karapat-dapat ma mahalin.
But right when Heart is ready to tell them her decision, the landowner — where the Heartful Cafe stands — arrives with a copy of the lease termination notice urging Heart to abandon her coffee shop. Ano kaya ang kahihinatnan ng coffee shop ni Heart at may happy ending pa bang naghihintay sa kanyang lovelife?
Tutukan din ang mga pasabog na eksena nina Ayra Mariano as Mars, Victor Anastacio as Roco, Zonia Mejia as Sol Fulgencio, Jamir Zabarte as Buddy Portalesnsa huling hirit ng serye.
Sa pagtatapos ng “HC”, puro pasasalamat lang ang nasabi ni Julie sa lahat ng sumubaybay sa kanila, “Sobrang thankful ako na nagawa ko ang project na ito. It’s my first time to do a romcom na may kakaibang twist, na may breaking the fourth wall which is a rare technique na ginagamit sa serye.
“I’m also happy na nabigyan ako ng chance to execute it. More than anything else, sobrang grateful ako sa suporta na ibinibigay ng fans namin.
“Talagang lahat kami ay nag-take part sa show na ito, pinaghirapan namin ‘yung content and buong process. We treat each other as family talaga,” pahayag ng dalaga na pinatunayang keri niyang magdrama, magpatawa at magpakilig ng manonood.
David, in turn, also sends his appreciation to the team for allowing him to grow more as an actor while making this series.
Aniya, “The fact na nabigyan ako ng platform to showcase my acting abilities, I really poured my heart out for this project.
“Also, the past year talagang mas na-appreciate ko ‘yung craft ko and nagustuhan ko talaga ‘yung pagiging actor. Of course, thankful ako sa directors, acting coaches, and my co-actors for helping me sa character ko as Ace,” aniya pa.
An original creation of the GMA Entertainment Group, “Heartful Café” is under the supervision of the Production team headed by SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, FVP for Drama Redgie Magno, SAVP for Drama Cheryl Ching-Sy, Program Manager Dennis Joi Bentulan, and Executive Producer James Ryan Manabat.
Sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz, huwag na huwag bibitiw sa heartwarming finale ng “Heartful Café” ngayong gabi sa GMA Telebabad.
The post Julie Anne kering-keri magdrama, magpatawa, magpakilig; Heartful Cafe pasabog ang ending appeared first on Bandera.
0 Comments