Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Julia Clarete binasag ang malilisyosong tsismis tungkol sa pagbalik niya sa Pinas

BAGO pa man maintriga nang bongga at kung anu-anong tsismis ang maglabasan, nagpaliwanag agad ang TV host-actress na si Julia Clarete kung bakit bumalik uli siya sa Pilipinas.

Makalipas ang mahigit dalawang taong paninirahan sa Malaysia kasama ang kanyang anak at Irish husband ay nagdesisyong umuwi na sa bansa sina Julia.

Aniya, may mga valid reasons siya para bumalik sa Pilipinas, ngunit nilinaw niya na walang katotohanan na nagkaproblema silang mag-asawa o nagka-issue sa paninirahan nila sa Malaysia.

 “I might as well address it now. Kasi ang dami ngang artistang ganyan na kapag nag-settle down tapos umalis ng bansa, pagbalik, nagbalik artista ‘yun pala boom! May naging marital problems. It happens a lot,” pahayag ng dating “Eat Bulaga” host sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, “But in my case kasi when I left ‘Eat Bulaga’ for Malaysia it was to join Gareth kasi we were gonna settle in na, we were gonna get married.”

Patuloy pa niyang paglilinaw, “Tumawag sa kanya ‘yung company. Kasi he was running na Singapore, Malaysia and Brunei. He was running three countries as the CEO of Coca-Cola. 

“Tinawagan siya ng company. Sinabi sa kanya gusto mo bang i-take on ang Philippines? Sabi niya, ‘You want to go back home?’ I said, ‘Do you want to take on the Philippines?’ Eh love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya galing before. Ako, hindi ko makakailang miss na miss ko ang Pinas. So sabi ko, ‘Tara.’ 

“And he was very happy na parang I didn’t mind coming back, na we will be susceptible to intrigue, but it was purely for his work and ang saya namin dito. So he is now the CEO in the Philippines,” lahad pa ng aktres.

Ngunit nabanggit din ni Julia na maaaring umalis uli sila ng Pilipinas kapag nagbago na naman ang sitwasyon sa trabaho ng kanyang asawa.

“Expat family kami. So we will be moving after a few years. So we don’t know when that will be but hopefully we get to stay a little longer,” aniya pa.

Noong July, 2017 ikinasal si Julia kay Gareth McGeown na ginanap sa Ireland at pagkatapos nito ay nagtungo sila sa Malaysia at doon na nanirahan kasama si Sebastian, ang anak nila ng dati niyang partner na si Stephen Uy.

Sa ngayon, ipino-promote ni Julia ang pelikula niyang “Game Over” kasama ang singer-actor na si Joshua Bulot, directed by Carl Angelo Ruiz.

The post Julia Clarete binasag ang malilisyosong tsismis tungkol sa pagbalik niya sa Pinas appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments