Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isko miss na miss na ang showbiz; gustong makatrabaho sina Anne at Bea

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, nais ni Manila City Mayor Isko Moreno na makasama sa susunod niyang acting project ang dalawa sa mga hinahangaan niyang female celebrities.

Gustung-gusto raw makatambal o makaeksena ni Yorme sa isang teleserye o pelikula sina Anne Curtis and Bea Alonzo sakaling may mag-offer sa kanya na movie o TV producer.

Sa panayam ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila, inamin ng alkalde ng Maynila na talagang nami-miss na niya ang showbiz na talagang napamahal na rin sa kanya dahil nga dito rin siya nagsimula.

Naganap ang nasabing interview bago pa ibandera ng kampo ni Isko na siya nga ang napili para bumida sa upcoming biographical film tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio.

Ito ang magsisilbing comeback movie ng aktor at politiko makalipas ang mahabang panahong pamamahinga sa showbiz.

Ayon kay Yorme, isa sa mga dahilan kung bakit nami-miss niya ang entertainment industry ay dahil sa bonggang talent fee at hindi gaanong kabigayang trabaho.

“Of course. Nakaka-miss ‘yun. Kasi ang showbiz yayangga ka lang sa bita tapos you get paid to wait,” katwiran niya.

“Calltime ko alas-nuebe, makukuhanan ka ala-sais ng hapon pero you get paid for the day. Oh ‘di ba masarap na trabaho ‘yun?” chika ni Isko.

At sa tanong nga kung sino ang mga artistang babae na nais niyang makatrabaho ngayong nagbabalik na siya sa pag-arte, “Ngayon? Kaya lang may asawa na, eh. ‘Yung sa Showtime — Anne Curtis. Saka si Bea Alonzo.” 

Kung matatandaan, mismong Independence Day, June 12, nang ibandera ang pagbibida ni Yorme sa biopic ni Bonifacio na ididirek ng batikang direktor na si Erik Matti.

“Grateful to be helming this epic amidst all the uncertainties of the film industry. But during war or famine, the resilient ones should always soldier on for things to continue and be revitalized,” pagbabahagi ng direktor sa kanyang Facebook post. 

“I had never been interested with our other national heroes. Bonifacio is the only one who had volatility that is a good character study on film. He had a lot at stake coming from his humble roots.

“He had so much to prove. He never had the gab for words like his other more privileged contemporaries had even if he wrote some very insightful letters. He only had the drive to do something. He shows not tell. Perfect for movies,” aniya pa.

The post Isko miss na miss na ang showbiz; gustong makatrabaho sina Anne at Bea appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments