Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Fliptop star Loonie may apela sa PNP: Kaya po naming patunayan na na-frame up kami

NANAWAGAN ang Fliptop star na si Loonie kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na imbestigahan ang mga pulis na nanghuli sa kanya at apat pa niyang kasamahan sa  buy-bust operation sa isang hotel  Makati City noong September, 2019.

Ito’y matapos ngang katigan ng Makati Regional Trial Court Branch 64 noong Martes ang kahilingan ng grupo nina Loonie na i-dismiss ang drug case laban sa kanila ng kanyang kapatid at manager na si Idyll at tatlo iba pa dahil sa hindi pagsunod ng pulisya “chain of custody rule.”

Ayon kay Loonie, o Marlon Peroramas sa tunay na buhay, matapos mabatid ang kautusan ng korte, nakamit din nila kahit paano ang hustisya na ipinaglalaban nila. Ipinagdiinana pa niya na, “I have never sold drugs in my entire life.” 

Nabanggit din ni Loonie at ng kanyang kapatid na kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa kanilang abogado para sa posibleng pagsasampa ng counter charges laban sa mga pulis na nanghuli at nagtanim ng mga ebidensya nang hulihin sila.

Kasunod nito, sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa Facebook, umapela nga si Loonie sa pamunuan ng PNP na imbestigahan ang kanilang kaso para magkaalaman na.

“What we humbly and respectfully ask from your office, sir, is bigyan niyo po sana ng atensyon at aksyon ang mga issue na ito at umaasa po ako na makapag-launch ng investigation doon sa mga involved sa kaso namin,” aniya.

May feeling daw kasi sila na hindi lang isyu ng “chain of custody” ang nakapaloob sa kanilang kaso, “In our case po, it was more than an issue of chain of custody ‘di ba po?

“Kasi kahit na i-follow ang chain of custody e kung tinanim din ang mga ebidensiya e parang balewala din po kasi plinant po nila ‘yung drugs, e.

“Ang tanong: Saan galing ‘yung mga drugs na ‘yon? Tapos puro pa po kasinungalingan ‘yung sinasabi nu’ng poser buyer at hindi lang po isang judge ang nag-point out nu’n. Tatlong judges and nag-point out nu’n,” pahayag pa ni Loonie.

Diin pa ng Fliptop artist, nalagay din sa panganib ang kanilang buhay dahil sa nangyari. Ginamit din daw ito ng ilang indibidwal para wasakin ang kanilang imahe at reputasyon.

“Kaya kailangan po namin i-clear ang pangalan namin. We trust you and fully support you in purging the PNP of scalawags. Hindi po ako kaaway at kaya po namin patunayan na isang malaking frame-up itong nangyari sa amin,” pahayag pa ni Loonie.

Samantala, nagpasalamat din si Loonie kay PNP Chief Eleazar matapos nitong sabihin na wine-welcome nila ang kanilang plano na sampahan ng counter-charges ang mga taong nagtanim ng ebidensya laban sa kanila sa isinagawang buy bust operation.

Kung matatandaan, September 2019 nang maaresto sina Loonie sa isinagawang police operation sa basement parking area ng isang hotel sa Barangay Poblacion, Makati City. Nakumpiska ng pulisya ang 15 sachets of kush o high-grade marijuana na nakalagay sa isang gift box.

The post Fliptop star Loonie may apela sa PNP: Kaya po naming patunayan na na-frame up kami appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments