Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Chito napa-throwback sa pagsisimula ng Parokya ni Edgar; ‘asar-talo’ kina Neri at Angel

NAGING sentimental ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda nang balikan ang humble beginnings ng kanyang banda mahigit dalawang dekada na ang nakararaan.

Napa-throwback ang OPM icon noong nagsisimula pa lamang gumawa ng sarili nilang pangalan ang Parokya ni Edgar sa music industry.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng asawa ni Neri Naig ang black and white photo ng kanyang banda na kuha pa noong 1994 sa isa nilang gig.

“Nu’ng nagsimula ang Parokya, wala pang camera phones, at black and white pa lahat ng photos,” ang bahagi ng caption ni Chito sa kanyang IG post.

Hirit pa niya, “Nasaan ka nung 1994? Kami nasa Club Dredd.” Ang tinutukoy ng veteran singer-composer na Club Dredd ay ang iconic nightclub na naging tahanan noon ng mga rock bands noong dekada ’90.

Sa nasabing music venue mas ine-encourage ang mga bansa na tumugtog at kumanta ng mga original songs sa halip na mga covers.

Bukod sa Parokya ni Edgar, ilan pa sa mga Pinoy bands na palaging nagpe-perform sa Club Dredd na sumikat din nang todo ay ang The Youth, Color It Red, Teeth, Put3Ska, at Eraserheads.

Marami naman ang natuwa, naaliw at naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw ni Chito sa pagsisimula ng kanilang grupo. May mga sumagot din sa tanong niya kung nasaan sila noong 1994.

Una na ngang nagkomento ang misis niyang si Neri na tila nang-aasar pa sa edad ngayon ng singer. Sey ng aktres, “Nasa Subic, grade 4 pa lang po.”

Pati ang kaibigan ni Chito na si Angel Locsin ay napahirit ng, “Black and white? 80 years old ka na?”

Narito naman ang ilang comment ng IG followers ni Chito sa kanyang throwback post.

“Una ko kayong napanood sa UP Diliman naka crossdressing pa kayo then wala pa kong cellphone. I only have my memories as souvenir,” sabi ng isang fan ng banda.

“Nasa PSBA Manila, after class watch ng show sa Club Dredd,” sagot naman ng isa pa sa tanong ni Chito Miranda.

“Saya dyan sa Club Dredd wohoo, pure talent lahat ng tugtugan,” komento naman ng isang netizen.

Nabuo ang Parokya ni Edgar noong 1993 na binubuo nina Chito, Buwi Meneses, Darius Semaña, Gab Chee Kee, Dindin Moreno at Vinci Montaner.

The post Chito napa-throwback sa pagsisimula ng Parokya ni Edgar; ‘asar-talo’ kina Neri at Angel appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments