Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

BL actor hinaras nga ba ng direktor kaya magdedemanda?

HINDI kami sinagot ng mga taga-Cornerstone Entertainment sa tanong namin kung ano ang isyu ng talent nilang si Paolo Pangilinan sa aktor, writer at direktor na si Juan Miguel Severo.

Si Paolo ang isa sa bida ng BL (boy’s love) movie na “Gaya sa Pelikula” kasama si Ian Pangilinan na isinulat at idinirek ni Juan Miguel.

Trending sa social media ang tweet ni Paolo nitong Hunyo 20 na, “Basta ‘yung sakin lang harassers shouldn’t assert be put in positions of power esp when they’ve been reported already thank u, no delete.”

Sinundan pa niya ito ng mensaheng, “Wag kang lalabas buti yan magtago ka naka abang aq. Wag talaga ako makakakita ng lgbtqia eme eme riyan galing sa’yo ha, tatalak ako.”

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Paolo ay may mga nagsabing posibleng si Juan Miguel nga raw ang pinatutungkulan sa tweet ng baguhang aktor.

Base sa komento ng mga netizen ay may hinaras umano si Juan Miguel na artista sa “Gaya sa Pelikula” pero wala naman siyang sagot hinggil dito at deactivated na rin ang kanyang Twitter account.

May nabasa rin kaming comment na balak daw magdemanda ang talent management ni Paolo na Cornerstone dahil sa nangyari sa binata.

Nagpadala kami ng mensahe sa Instagram account ni Juan Miguel para hingan siya ng reaksyon tungkol sa tweet ni Paolo pero hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito ay wala kaming nakuhang sagot.

Samantala, marami kaming nabasang tweet na nagtataka kung totoong nagawa nga ni Juan Miguel iyon habang ang iba naman ay nagsabing na-turn off na sila sa aktor.

Naglabas naman ng official statement sa Twitter ang supporters ni Juan Miguel na tinawag ang kanilang grupo na Pechay at Payong na dating Gegemons OFC.

“The members of this group do not condone any form of harassment and refuse to continue supporting alleged perpetrators of it. And though we cannot tell the stories of theses victims, we will always support believe, and side with them.

“We’ve always belieived that this group was more than just a fanclub.  We became a family, and this bond created under one umbrella something no one can take away from us, not even our origins. 

“Having said that, we understand that not everyone is comfortable with continued association with this group given that origin, and so if you believe it’s within your best interests to exit the group, then we wish you well.

“With that being said, the group has been temporary rembranded to Pechay at Payong.

“We choose to use this platform as a way to celebrate and support all Filipino queer artists in every medium they choose to thrive in, we will help amplify their voices, and through that also amplify ours.  This group will remain a safe space for everyone.

“And together, we will continue to help cultivate even more safe spaces for the LGBTQIA+ community.”

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Juan Miguel sa isyung ito at agad naming ilalabas ang anumang paliwanag na manggagaling sa kanya sa ngalan ng balanseng pamamahayag.

The post BL actor hinaras nga ba ng direktor kaya magdedemanda? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments