MALALIM at napakapositibo ng bagong hugot ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa pagse-celebrate ng kanyang 39th birthday kahapon, June 16.
Sa Instagram idinaan ni Jodi madamdaming mensahe para sa kanyang special day kalakip ang litrato niya na kuha sa isang beach resort na pinuntahan niya recently.
“On June 16, 1982 at 4:29 pm, I took my first breath here on earth.
“Looking back in the last 39 years of my life, I am grateful for the many small victories, extraordinary adventures, even the hardships and failures.
“I am thankful to all the people I have crossed paths with, for giving me a part of themselves and enriching my heart and soul. I am grateful everyday for these experiences.
“Here I am, 39 and all, still alive and breathing. Thank you Lord for everything!” ang caption na isinulat ni Jodi sa kanyang IG post.
Nagpasalamat din ang Kapamilya star sa lahat ng mga nakaalalang bumati sa kanyang birthday at sa mga nagpadala ng inspiring message for her.
“Maraming salamat sa lahat ng nakaalala. Thank you for taking the time to greet me on this special day!” sabi pa ni Jodi.
Kapansin-pansin na isa sa mga unang bumati sa aktres ay ang rumored boyfriend niyang si Raymart Santiago.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila diretsahang umaamin sa kanilang relasyon pero marami nang nagpatunay na talagang nagmamahalan nga ang dalawa.
Ang iba pang bumati kay Jodi ay sina Angelica Panganiban, Iza Calzado, Gary Valenciano, Bela Padilla, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Carla Abellana, Jackie Lou Blanco at Jackie Forster.
Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na si Jodi sa upcoming Kapamilya series na “The Broken Marriage Vow”. Ito ang Philippine remake ng award-winning BBC drama na “Doctor Foster”.
Sa direksyon ni Connie Macatuno, bibida rin sa “The Broken Marriage Vow” sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla.
The post Birthday hugot ni Jodi: Here I am, 39 and all, still alive… appeared first on Bandera.
0 Comments