Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Bimby bongga ang ginawang pagso-sorry kay Kris matapos magkatampuhan

PAGKATAPOS magkatampuhan ang magkapatid na Joshua at Bimby na nagkabati rin agad ay si Kris Aquino naman ang nakatampuhan ng bunso niyang anak.

Dalawang dosenang pink roses ang ibinigay ni Bimby sa ina bilang peace offering base na rin sa larawang ipinost ni Kris kahapon sa kanyang Instagram account.

Caption ni Kris, “These roses came from Bimb, we had 1 of our super rare ‘tampuhans’ this afternoon. @59.flowercafe was closing already but he & nurse Eloi made kulit. 

“Sheryl the owner so he could give me this bouquet of my favorite shade of pink roses maybe for most whether mag-asawa, mag boyfriend/girlfriend, magkaibigan, magkatrabaho, magkamag-anak, lesson siguro ‘yung ginawa ni Bimb,” ang sabi pa ng TV host.

Ikinuwento pa ng nanay ni Bimby na sariling pera ng anak ang ipinambili nito sa bulaklak. Ayaw daw kasi ng binatilyo na makatulog ang ina na hindi sila nagkakaayos.

“Cute kasi he told me he spent his own money BUT he said ayaw n’yang makatulog ako without him saying sorry for hurting my feelings and that he loves me so much and he knows how blessed he is to have me as his mama.

“Every night si Kuya Josh ‘yung bago mag-sleep text n’ya also says ‘i love you so much mama.’

“What I’m trying to say is express your love & appreciation habang may chance it doesn’t have to be kasing-bongga nu’ng roses ni Bimb.

“Effort is always appreciated and expressions of love really matter so much especially from people you value. #loved #grateful,” ang pahayag pa ni Kris na hindi na idinetalye kung anong dahilan ng tampuhan nilang magnanay.

Umabot na sa 21.5k and still counting ang nagkomento ng heart emojis sa IG post na ito ni Kris at pinupuri siya sa magandang pagpapalaki sa mga anak at gayun din ang binatilyo na sobrang ma-respeto sa ina at kapatid.

The post Bimby bongga ang ginawang pagso-sorry kay Kris matapos magkatampuhan appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments