Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Baguhang sexy star nakipaghiwalay sa dyowang produkto ng reality show: Sumisikat na kasi

UNTI-UNTI na ngayong nagkakapangalan ang bagong sexy star at balita namin ay marami pa siyang gagawing mga projects sa susunod na mga buwan.
At dahil nga sumisikat na ay balitang hiniwalayan na nito ang kanyang boyfriend na produkto naman ng isang reality show.
Kung hindi kami nagkakamali ay umabot naman ng dalawang taon ang kanilang relasyon, yun nga lang talagang may katapusan ang lahat ng bagay.
Ibinase namin ito sa mga larawang nakita namin sa Instagram account ng guy kung saan kitang-kita na super happy sila. Pareho rin silang mahilig pumunta sa beach.
May kuhang nagti-TikTok din ang dalawa na suot ng sexy star ang maluwag na puting shirt na feeling namin ay pag-aari ng guy at kuha ito noong May, 2020.
Nakita namin ang mga sweet moments ng sexy star at ng dati niyang dyowa nitong nakaraang buwan at nang muli naming balikan ngayong araw habang sinusulat namin ang balitang ito ay nawala na lahat ang mga litrato nilang magkasama.
May pinagtanungan kami tungkol sa estado ng relasyon ng magkasintahan at sinabi nga sa amin na hiwalay na sila dahil bawal na raw sa career ng bagong sexy star ang mag-boyfriend.
Nagdesisyon daw ang sumisikat nang sexy star na mag-concentrate muna sa mga project niya na sunud-sunod nga niyang gagawin.
Bukod dito ay hindi rin pala boto ang magulang ng sexy star sa ex-boyfriend niya. Ang pakiwari namin ay dahil matagal-tagal na rin kasi sa showbiz ang aktor pero wala pa ring nangyayari sa kanyang career.

The post Baguhang sexy star nakipaghiwalay sa dyowang produkto ng reality show: Sumisikat na kasi appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments