Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Aiko hindi iboboto ni Lolit Solis sa Eleksyon 2022 

WALANG botong makukuha si Aiko Melendez mula sa talent manager na si Lolit Solis na taga-District 5 kung saan kakandidato ang aktres sa pagka-congresswoman.

Idinaan ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post na bagama’t malapit sa puso niya si Aiko ay hindi siya ang iboboto nito kundi si Konsehal PM Vargas na kapatid ng aktor-politiko na si Alfred Vargas na kasalukuyang nakaupo bilang kongresista sa nasabing distrito.

Sabi ni Manay Lolit, “Bongga pala ang maglalaban sa distrito ko sa QC Salve. District 5 pala ang tatakbuhan nila PM Vargas at Aiko Melendez. WOW!

“Pareho kong kilala, pareho din malapit sa puso ko. Palagay ko sinuman manalo sa kanilang dalawa, gaganda lalo ang District 5, lalo pa at si Mayor Joy Belmonte ang mananalong Mayor.

“Pero matagal na akong committed kay Alfred Vargas na susuporta sa kanyang kapatid na si PM pag tumakbo sa mas mataas na posisyon.

“Pareho kong mahal sila Aiko at PM pero nauna na ang promise ko kay Alfred so sinuman manalo sa kanilang dalawa buong puso kong tatanggapin dahil alam ko na ang paglilingkod ang nasa puso nila.

“Hindi talaga maiiwasan ang paghaharap na ganito sa pulitika, magkaibigan na magiging magkalaban, pero pagtapos ng eleksiyon, friends uli silang lahat.

“Best effort talaga ang ibibigay nila sa District 5 dahil maraming nagawa si cong Alfred Vargas dito kaya dapat higitan ng sinuman papalit sa kanya ang nagawa niyang trabaho.

“Sinuman manalo kila PM at Aiko, sana lalo pang gumanda ang distrito namin na talaga naman ang husay ng pagkuha ng basura, ang bilis ng pag aayos ng mga kalye, at talagang bawat barangay matindi ang panawagan sa bakuna. Goodluck kay Aiko Melendez.

“Pero ang boto ko nabigay ko na kay PM Vargas. Sinuman manalo sa inyo g dalawa, for the good of QC, at siyempre para sa Mayor ko na si Joy Belmonte. Uwian na, may mga winner na. Joke joke joke.”

Sinagot naman ni Aiko ang pahayag ni Manay Lolit, “Maraming salamat po Nay Lolit, naiintindihan ko po kayo and hindi ko po nakikita na kalaban si Coun PM dahil alam ko po mahusay din niyang gagawin ang kanyang best sa pagserbisyo po.

“Pareho lang ang common goal namen ni Konsi po, magserbisyo sa tao at kung sino man ang papalarin po sa amin alam kop o di magkukulang sa pagtulong po sa dist 5. God bless you ‘nay Lolit.”\

The post Aiko hindi iboboto ni Lolit Solis sa Eleksyon 2022  appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments