Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Aiko ayaw insultuhin si Jomari: Bilang single mom, iginapang ko ang anak ko para makatapos

WALA nang kinatatakutan ngayon ang award-winning actress pagdating sa politika – handang-handa na raw siyang lumaban sa 2022 para muling makapagsilbi sa mga taga-Quezon City.

Kinumpirma na nga ni Aiko na tatakbo siyang kongresista sa District 5 ng Q.C. sa darating na national elections at wala na raw itong urungan kahit ano pa ang mangyari.

Dating councilor ang aktres kaya hindi na bago sa kanya ang public service, “Mas marami talagang nag-uudyok sa akin na tumakbo bilang kongresista.

“Kasi nga 9 years akong naging konsehal, na-experience ko na ‘yon, gusto ko namang mag-level up sa public service. I’ve always been behind the scenes, I want to go back to that direction,” pahayag ni Aiko nang makachikahan namin at ng iba pang members ng entertainment media kamakailan.

Ang magsisilbing political handler naman ng Kapuso actress ay ang  boyfriend niyang si Zambales Vice Gov. Jay Khonghun, na nagsabing bukod sa kongreso, may isa pa silang option na naiisip depense sa magiging resulta ng survey at realignment ng mga political party na maaari nilang hingan ng tulong.

Samantala, sa tanong kung malapit na ba silang magpakasal ito ang naging sagot ni Aiko, “Gagawan niya pa kami ng bahay. Ha-hahaha! Iba pa ‘yun sa dream house na pinapagawa ko for my children!”
 
Ibinalita rin ng celebrity mom na nagsimula na rin ang operasyon ng kanyang new online shopping venue na pingmeup.store para may dagdag kita naman daw siya ngayong panahon ng pandemya.

“Alam niyo naman kailangan din nating magtrabaho para sa ating pamilya,” sey ni Aiko na may bago ring movie na gagawin, ang horror trilogy na “Huwag Kang Lalabas.” 

Bukod dito, tuloy na tuloy na rin ang gagawing book 2 para sa hit Kapuso series na “Prima Donnas” pero sey ni Aiko, hindi pa siya sure kung kontrabida pa rin sa kuwento ang karakter niyang si Kendra o magiging mabait na.

Napag-usapan din sa nasabing presscon ang pagiging emosyonal ni Aiko sa pagtatapos ng anak na si Andre Yllana at ang pagiging successful single mother. 

Proud na ibinalita ng aktres sa publiko na naka-graduate na si Andre ng Automobile Mechanic Course sa Don Bosco Technical Institute.

“I can’t help but be emotional. Una kasi hindi madali ‘yung pinagdaanan ko para mapagtapos ko anak ko yes on my own. Single mom ako, di ba? Not complaining. I remember there were days na I was lacking in terms of financial at that time… it’s also a story of my ups and downs,” pahayag ng aktres.

Nagpaliwanag din siya kung bakit hindi na niya binanggit ang tatay ni Andre na si Jomari Yllana sa mga taong pinasalamatan niya sa pagtatapos ng kanilang anak.

“I don’t have to glorify or insult him by mentioning his name. Alam naman lahat ng tao na ginapang ko anak ko para makatapos. 

“Pero kung gusto niyang humabol at tumulong pa rin by March kasi baka mag-aral pa uli si Andre, welcome at willing ako du’n!” aniya pa.

The post Aiko ayaw insultuhin si Jomari: Bilang single mom, iginapang ko ang anak ko para makatapos appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments