Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Vice umaming nagkaproblema sa pagpapatawa: OMG! Kinakalawang yata ako!

AMINADO ang Phenomenal Box-Office na si Vice Ganda na dumating din siya sa puntong feeling niya ay nangalawang na ang talento niya sa pagpapatawa.

Alam naman ng lahat kung gaano kabilis at kagaling magbato ng punchlines at joke ang Kapamilya TV host-comedian lalo na kapag nasa “It’s Showtime.”

Pero nagpakatotoo nga si Vice sa pagsasabing naapektuhan din ng pandemya ang kanyang istilo sa pagko-comedy at pagho-host nang live dahil na rin sa tagal ng panahong natigil sa pag-ere ang kanilang noontime show.

“There were times na feeling ko parang kinalawang ako, kasi di ba, ang tagal mong nabakante, kahit sino naman,” pagbabahagi ni Vice sa nakaraang virtual mediacon para sa kauna-unahan niyang digital concert na “Gandemic VG-tal Concert.”

Sey pa ni Vice, napansin niya na noong mga unang araw ng pagbabalik ng “Showtime” sa ere ay may mga pagkakataong nawawala siya sa huwisyo at hindi agad makapagbato ng joke.

“Hindi ko mabato yung punchline, tapos sabi nila pagkatapos noon, sabi nina Vhong (Navarro), ‘Parang ang lalim ng iniisip mo, kanina ka pa nakanganga.’

“Kasi kilala ko yung sarili ko, eh, na pag may mabilis akong naisip mabilis ko ring maibabato, tapos biglang hindi ko siya nabato agad, tapos hindi ko maisip agad. Sabi ko, ‘Oh, my God kinakalawang yata ako,’” esplika pa ni Vice.

At para maibalik ang dating Vice Ganda, talagang nag-practice raw siya uli kasama na riyan ang pagtawag sa kanyang mga kaibigan para lang makipag-okrayan at makipagchikahan.

“Maya’t maya tumatawag ako sa mga bakla, nakikipagharutan lang ako. Kasi pag nagkukwentuhan kami, okrayan kami nang okrayan at para na kaming nasa comedy bar, so don sa ganung paraan bumibilis ulit yung utak namin,” chika ni Vice.

“Kailangan lang talaga na maputol yung break para yung mapurol mong utak ay ma-practice ulit para maging matulis ka uli.

“Kailangan laging matulis, ayoko nang mapurol, gusto ko nang matulis,” pahayag pa ng TV host.

Samantala, ngayon pa lang ay todo na ang paghahanda ni Vice para sa kanyang first digital concert na pinamagatang “Gandemic VG-tal Concert” na magaganap sa July 17.

Mapapanood ito sa KTX.PH, iWantTFC at SkyPPV.

The post Vice umaming nagkaproblema sa pagpapatawa: OMG! Kinakalawang yata ako! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments