Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Thai stars Mario, Gulf, Nonkul mataas ang respeto sa LGBTQ; super bilib sa mga Pinoy

LALO pang nadagdagan ang pagmamahal at mas tumaas pa ang respeto ng mga Pilipinong miyembro ng LGBTQIA+ sa tatlong sikat na aktor sa Thailand.

Ito’y matapos ibandera ng Thai superstar na si Mario Maurer at ng dalawa pa niyang kababayan na sina Gulf Kanawut at Nonkul Chanon ang pagsuporta nila sa mga beki at lesbian all over na world.

Naniniwala ang tatlong Thai heartthrobs na tulad ng mga straight guys and girls, may karapatan ding magmahal at lumigaya ang mga miyembro ng LGBTQ community.

Sa virtual mediacon na ginanap kamakailan para sa pagpapakilala sa tatlong Thai stars bilang latest endorsers ng prepaid telecommunications brand na TNT, natanong sila tungkol sa LGBTQ+ relationships.

Sagot ni Mario, “It’s something that’s natural. You cannot design it. Any kind of love is beautiful.”

Sumang-ayon naman sa kanya si Gulf, “Like what Mario said, love is natural and it’s just…it’s between two people and it is normal. We can see relationships like this every day.”

Pareho nang bumida ang dalawang aktor sa mga proyektong may gay characters. Napanood si Mario sa cult classic “Love of Siam,” na isang coming-of-age film kung saan nagkainlaban ang dalawang kabataang lalaki.

Bumida naman si Gulf sa hit Thai BL (Boys Love) series na “TharnType” na tungkol sa isang homophobic university student na na-develop sa kanyang gay roommate.

Samantala, natanong din sina Mario, Gulf at Nonkul sa nasabing presscon kung anu-ano ba ang qualities na hinahanap nila sa kanilang magiging partner at kung ano ang “craziest thing” na ginawa nila for love.

Ayon kay Nonkul ang ideal girl niya ay yung magiging swak sa kanyang personality, “Someone who is good at their job and is into me. Someone who has a great personality that’s suitable for me.”

“Craziest thing I’ve done for love? I drew a portrait for a girl I liked. It was the first time I drew a portrait, and she rejected it,” dagdag pa niyang kuwento.

Sey naman ni Mario, kahit super busy sinisiguro niyang maglalaan pa rin siya ng oras para sa mga mahal sa buhay,  “Even though I’m very busy I’ve tried to find some time for my loved ones.”

“The sweetest thing, I bought her a very special rose, a blue rose. It was twice the price, I think it was very sweet,” aniya pa.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng kanyang Filipino fans, “For me to be famous in the Philippines is like a dream for me. I’m an actor in Thailand and I never imagined that my movies and some of my work will be very famous in the Philippines.”

Marami rin daw siyang kaibigang Pinoy, “I think it’s the connection. All my best friends are Filipinos. Many guys around me are Filipinos. I know the Filipino people are very happy. I think we are connected, Thailand and the Philippines.”

Bukod sa tatlong sikat na Thai actors, naki-join din sa kanilang media launch ang dalawa pang TNT brand ambassador, sina Sue Ramirez at Sarah Geronimo na siyang kumanta ng official theme ng nasabing telco brand.

“Filipinos and Thais have always had mutual appreciation for each other’s wealth of entertainment content, but we’ve seen this grow even bigger recently as more Filipinos enjoy easy access to streaming platforms and social media through TNT’s value-packed promos,” bahagi ng pahayag ni Jane Basas, ang SVP at Head of Consumer Wireless Business ng Smart.

The post Thai stars Mario, Gulf, Nonkul mataas ang respeto sa LGBTQ; super bilib sa mga Pinoy appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments