Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Squad Plus member Renshie suportado ang LGBTQ: Walang mali kung gay o bisexual ka

MAKALIPAS ang tatlong taon sa paggawa ng mga indie movies, mabibigyan na rin ng chance ang young actor na si Renshi de Guzman na humataw sa mainstream.

Isa si Renshie sa mga ipinakilalang bagong member ng Squad Plus 3 ng Star Magic ng ABS-CBN at sa mga susunod na buwan nga ay mapapanood na rin siya sa iba’t ibang projects ng Kapamilya network.

“Masaya ako nu’ng una dahil three years ako sa indie and magkakaroon ako ng mainstream na project kaya masyaa ko at excited pero kinakabahan dahil hindi ko alam kung kaya ko ba talaga pero thankful ako,” masayang kuwento ng binata sa nakaraang virtual launch ng Squad Plus.

Nakilala si Renshi sa mga LGBTQ series and movies at aminado siya na noong unang sabak niya sa ganitong genre ay talagang nagdalawang-isip siya.

“May hesitation nu’ng una. Nandu’n yung iisipin mo na, ‘Ano kayang iisipin sa akin ng ibang tao kapag ginawa ko ‘to?’ And then tinanggap ko siya kasi gusto ko siyang gawin tapos habang tumatagal naisip ko na okay lang kahit sabihin man nila na gay ako or bi ako.

“Okay lang sa akin kasi wala namang mali kung gay or bisexual ka, eh. Hangga’t wala kang tinatapakang tao, okay lang go lang. Okay lang kahit anong sabihin nila na pagkakakilala nila sa akin as long as alam ko naman kung sino at ano ako. Okay lang sa akin yun,” paliwanag ng aktor.

Aniya pa, “Open naman ako sa kahit anong role as long as napagkasunduan ng management. Okay lang sa akin yun. May tiwala naman ako sa management so go.”

Napapanood ngayon si Renshie sa Kapamilya drama series na “Huwag Kang Mangamba,” at handa siyang gawin ang lahat para mas mahasa pa ang akting niya.

“Yun talaga yung gusto ko mula dati pa nu’ng nag-sa-start ako sa indie gusto ko talaga maging character actor. So, sana. Ngayon nag-aaral ako ng acting and of course yung personality kasi sobrang importante yung sa trabaho natin and yung professionalism.

“And of course, ang dami kong natutunan du’n sa mga taping, kung paano sila umarte, kung paano sila magtrabaho. Ang gagaling nila, ang professional nila. Du’n siguro ako kumukuha ng lessons,” dagdag pang chika ng binata.

The post Squad Plus member Renshie suportado ang LGBTQ: Walang mali kung gay o bisexual ka appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments