Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ricky Lo pumanaw na sa edad 75; showbiz industry nagluluksa

NAGLULUKSA ngayon ang local entertainment industry sa biglaang pagpanaw ng veteran entertainment editor at TV host na si Ricky Lo. Siya ay 75 years old.

Bandang 10 p.m. kagabi namaalam ang beteranong showbiz columnist matapos ma-stroke, ayon mismo sa kanyang kapatid na si Susan Lee. Last April 21 lang nag-celebrate ng kanyang 75th birthday si Ricky Lo.

Nagsilbi siyang entertainment editor ng Philippine Star sa loob ng ilang dekada kung saan mababasa rin ang kanyang daily column.

“You will be remembered, Sir Ricky.

“It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Entertainment editor and columnist Ricky Lo on May 4, 2021,” ayon sa statement ng Philippine Star.

Bumaha naman ng mensahe ng pakikiramay sa social media mula sa mga kaibigan, katrabaho at kasamahan ng premyadong manunulat.

Nagbigay-pugay din sa kanya at nagpasalanat ang halos lahat ng entertainment writers at kapwa editors na nakasama niya sa industriya.

Kung matatandaan, naging isa si Ricky Lo sa mga co-host ng “The Buzz” sa ABS-CBN nang magsimula ang programa noong 1999.

Taong 2005 nang magsama sila ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez sa “Showbiz Stripped” ng QTV 11 hanggang sa palitan ito ng “The Ricky Lo Exclusives” noong 2007.

Pagsapit ng 2008, naging regular co-host siya ng “Startalk” hanggang sa  magpaalam ito sa ere noong September, 2015.

Nagtrabaho rin siya bilang editorial assistant sa Variety magazine (Sunday supplement ng old Manila Times) mula 1969 hanggang 1972.

Taong 1995 naman niya inilabas ang “Star Studded,” ang libro ng compilation ng kanyang mga artikulo tungkol sa mga artista at noong 2001 ay inilabas naman niya ang “Conversations with Ricky Lo,” na compilation naman ng kanyang exclusive interviews.

The post Ricky Lo pumanaw na sa edad 75; showbiz industry nagluluksa appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments