NAKIUSAP si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Pinoy pageant fans na irespeto na lamang ang naging resulta sa katatapos na 2020 Miss Universe.
Marami kasi ang kumukuwestiyon sa pagkapanalo ni Miss Mexico Andrea Meza sa nasabing international beauty pageant, feeling nila hindi deserving ang dalaga sa titulo at korona.
Partikular na inirereklamo ng mga netizens ang desisyon ng mga judge na puro babae at karamihan sa mga ito ay nakabase sa Amerika kung saan ginanap ang pageant.
May lahing Latina ang dalawa sa mga hurado, isang Hawaiian, isang Canadian, isang Korean-American, isang South Asian at dalawang American.
“I don’t like that hinihimay natin nang sobra yung competition kasi hindi natin matanggap yung winner or yung fate nung candidate natin.
“Sana maging sport tayo. Kasi I read some comments na ‘binili’ daw, dahil ‘madaming Latina sa judges.’ Huwag natin i-doubt yung organization. Kasi wala nang manonood ng Miss Universe kung luto ito,” ang panawagan ni Pia sa kanyang “Queentuhan” vlog sa YouTube.
Diin pa niya, “Yun talaga ang napili ng judges. Siya (Andrea) yung nanalo. It’s her destiny. Let’s shake hands and mean it, congratulations, you know, and accept defeat.”
Sey pa ng actress-TV host, “Nagiging sobrang toxic ng edition na ito. I don’t know if it’s because everybody’s at home, nakatutok ba tayo masyado. It just feels more intense this year.
“Ang message ng Miss Universe is magsama-sama, yung acceptance kahit magkakaiba kayo ng mga pinanggalingan.
“Ang pangit na yung audience, sila yung the complete opposite. Watak-watak lahat. Everybody’s fighting, pulling each other down, countries throwing jabs at each other.
“It’s the complete opposite of what we’re saying over and over again, to accept each other. Kayo ba hindi napapagod?” pahayag ng dalaga.
Siyempre, nanghinayang din siya para sa bet ng Pilipinas na si Rabiya Mateo. In fact, nanginig daw siya nang hindi makapasok sa Top 10 ang ating kandidata.
“Medyo nakatutok ako kay Rabiya this year, kaya di ako masyadong maka-comment sa other girls kasi yung sa kanya lang ang napapanood ko palagi.
“When it was the swimsuit (competition) when it was getting closer and closer na mabuo na yung 10 tapos wala pa rin, as in nakaganu’n ako (hawak ang ulo), grabe yung kaba ko!
“Tapos nu’ng di nga siya natawag, hindi ako makapag-react right away kasi nanginginig ako. Nagla-live tweeting ako pero hindi ako makapag-react right away. Ayaw sumunod ng fingers ko sa gusto ko sabihin,” paliwanag ni Pia.
“My gosh, I’ve never felt that with any Miss Universe Philippines before! I don’t know. May because she was our bunso. Parang you feel like you wanna look after her,” aniya pa patungkol kay Rabiya.
“We all agree that we’re not so much a fan of the new format. But all in all, okay na ako. Natanggap ko na. May konting kirot pa rin kay Rabiya, but I’m happy with how the pageant turned out. I’m excited for Andrea and I mean that,” sey pa ng dating beauty queen.
The post Pia nakiusap na wag nang ireklamo ang pagkapanalo ni Miss Mexico: Nagiging sobrang toxic na… appeared first on Bandera.
0 Comments