NANINIWALA ang 4th EDDYS Best Actor na si Paulo Avelino na magiging isang malaking industriya rin ang gaming world sa Pilipinas.
Isa ang Kapamilya star sa mga kilalang local celebrity ngayon na aktibo sa paglalaro ng mga online games, at sa katunayan ginawa na rin niya itong negosyo kasama ang ilang mga kaibigan na magagaling ding mga gamer.
Ibinandera ng binata na bahagi na rin siya ngayon ng LuponWXC, isang premier esports and streaming company na pag-aari ng gaming icon na si Nico “Kuya Nic” Nazario.
Kuwento ni Paulo sa ginanap na virtual mediacon para sa LuponWXC, siya ang namamahala sa content production and curation side. Sinisiguro rin niya na ang lahat ng LuponWXC streamers ay may mga “cutting-edge equipment.”
“Ang role ko talaga rito sa Lupon, ayan, nagbabantay ako ng quality, tsine-check ko na ayos lagi ang equipment. Tapos marami pang on the side,” pahayag ni Paulo.
Kuwento naman ni Kuya Nic, bilib siya sa pagiging hands-on ng kanyang business partner sa operations side.
“Meron kaming project na kailangang maayos sa studio. Kinaumagahan, tinawagan ko si Pau, right away pumunta siya nu’ng umagang yun. Sobrang bilis. Di ko in-expect that Pau will be doing that for Lupon,” ani Kuya Nic.
Ang LuponWXC ay maituturing na premier esports and gaming company sa Pilipinas “whose mission is to create opportunities for gamers to interact with audiences through online content creation, live event production, event management, influencer marketing, and advertising services.”
Bata pa lang daw si Pau ay mahilig na siya sa online at computer games, “Nagsimula ako bata pa talaga ako. Lumaki akong naglalaro ng Counter Strike.
Nagrerenta ako ng PC sa Baguio. Ang daming mga gamers doon.”
Pagbabalik-tanaw pa ng award-winning actor, “Marami rin akong tinutulungan na local streamers na nasa gaming rin. So marami akong ino-order abroad na wala rito na mga gamit para ma-improve ‘yung quality ng stream nila or mas maging convenient para sa kanila.”
One time raw nangailangan si Kuya Nic ng isang equipment at nagkataon na meron nito si Paulo, “Gustong bilhin ni Kuya Nic, hindi ko binibenta. ‘Bigay ko na lang. Hingi na lang ako ng pabor in the future.’
“Natakot yata si Kuya Nic sa pabor so hindi na nag-reply. After several months, doon na nagsimula,” pagbabahagi pa ng aktor tungkol sa pagsisimula ng partnership nila ng LuponWXC.
Narito naman ang payo ni Paulo sa mga ng Pinoy gamers, “To all the young gamers out there, it is always nice to balance things out. Kumbaga, know your priorities at kapag alam mo siguro ‘yung priorities mo, maba-balance out mo ‘yung oras mo for gaming and other real-life stuff.”
Sa lahat naman ng mga nais mag-join sa mga competition, “Don’t be scared if you think may future ka sa larangan na ito, sa esports or sa gaming.
Don’t be scared because I’m sure maybe five or 10 years when they grow up, it would be an even bigger industry than it is now.”
“I see this industry becoming as big as…probably not as big as the showbiz industry, but almost tapping into there. Nandu’n na. Kumbaga, gusto talaga namin na patibayan pa itong industriya para mapakinabangan namin lahat in the future,” sabi pa ni Paulo.
Sa ngayon, may anim na operational studios na ang Lupon na gumagawa ng original content na ini-stream regularly sa Youtube, Facebook at Kumu.
The post Paulo ginawa na ring negosyo ang pagiging gamer, nagbibigay ng ayuda sa local streamers appeared first on Bandera.
0 Comments