Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Lucy kay Goma: Alam mo, kaming mga asawa nakakaamoy ng mga aswang…

NATAWA kami sa sinabi ni Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez na hindi na siya kumakain ng manok simula pa noong nag-lockdown last year dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa episode na “A Double Anniversary Special with Lucy” sa YouTube channel ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ay grilled tuna with sesame seeds ang niluto ng dating aktor para sa anniversary dinner nilang mag-asawa.

“Were preparing tuna,” saad ni Goma.

“Why you’re preparing tuna today?” tanong ni Lucy.

“One because you want fresh,” sagot naman ng hubby nito.

“Well, eversince the lockdown, I stop eating chicken kasi naging kaibigan ko na sila (maraming alagang manok), so kami ng isda, puwede, puwede pa,” pahayag ng magandang wifey ni Richard.

“Oo nga, eh, ako na lang ang kumakain ng chicken,” sambit naman ni Mayor Goma.

Napaka-refreshing panoorin ang vlog ni Goma dahil sa bundok na may luntiang damo nag-set up ng dining table si Lucy para ipagdiwang ang 23rd wedding anniversary nilang mag-asawa at si Richard naman ang magluluto ng dinner nila na grilled tuna at pasta na pawang fresh ang sahog at kumuha pa sila ng tanim na basil sa paligid.

Nakaka-refresh panoorin sina Richard at Lucy na naglagay lang ng lamesa kung saan nila pine-prepare ang kanilang kakainin, nakahanda ang ihawan at paglulutuan ng pasta.

Dahil sa lakas ng hangin ay nililipad ang mahabang buhok ni Lucy, “Excuse me for my hair GGB lang, gulu-gulo-buhay.” Pero itinali rin naman nito ang buhok dahil naiilang na siya.

Hindi alam ni Goma kung ano ang ibig sabihin ng GGB kaya natawa siya ng sabihin ito ng asawa.

Mayo, 2020 pala inumpisahan ni Richard ang YouTube channel niyang “Goma at Home” na hindi akalain ni Lucy na magki-click dahil hindi naman daw alam ng lahat na nagluluto ang hubby niya.

“I didn’t realize that it would grow to be this whole channel you know.  Well not a lot of people know that you always cook.  I always say that, ‘thank God for a husband who cooks because this wife can’t.

“But yeah, you grew up with lola around the kitchen table so cooking has always been easy for you,” sabi ni Lucy habang isa-isang inaalis sa tangkay ang basil leaves.

Mahilig pala sa spicy si Lucy kaya maraming paminta ang inilagay ni Richard at bawang na paborito rin ng asawa. “Dagdagan pa ng garlic?  Para hindi lumapit ang mga aswang natin,” saad ni Richard.

“I’m glad this is what you made for our anniversary episode, very refreshing choice every can do this at home,” say ni Lucy.
Nasarapan naman si Goma sa timpla ng pasta na maraming bawang “Hindi lalapit ang aswang.  Hindi ako aaswangin. Ha-hahaha!” kaswal na sabi ni Mayor.

Natawa naman si Congw. Lucy, “Anong ibig sabihin non?

“’Yung hindi ako aaswangin?  Hindi ako lalapitan ng mga babae,” sagot ni Goma.

Mabilis na sagot ni Lucy, “Ay hindi talaga honey. Binabalak palang nila alam ko na!”

Dagdag pa ni Lucy, “Alam mo, kaming mga asawa, nakakaamoy ng mga aswang. Plano palang sa inyo abort mission na.”

“Ganu’n? Pero never kong ginawa ‘yun,” kaswal na sabi ni Richard habang kumakain .

Nabanggit ni Lucy sa asawa na marami siyang kaibigang nanonood ng “Goma at Home” dahil madali raw matutunan ang mga niluluto nito at hindi kumplikado.

“And I’ll make it a simple as possible,” saad ng hubby ni Lucy.

“Your cooking is like you, straightforward, not complicated.  You’re easy man to love honey, you don’t like drama which I love,” sabi naman ng asawa ni Goma.

At dahil si Goma ang nagluto, si Lucy naman ang nag-prepare ng dessert nila na ube ice cream with Sprite.

“On our anniversary I actually have two rituals I wear the lipstick I wore when we got married and we eat ube ice cream with sprite,” sey ng mama ni Juliana Gomez.

Ito naman ang sweet ng mensahe ni Lucy sa asawa, “I love you forever and a day.  If our love story would be dessert, it would be ube ice cream with Sprite.”

The post Lucy kay Goma: Alam mo, kaming mga asawa nakakaamoy ng mga aswang… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments