Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

NAKATUTUWANG malaman kay Julia Barretto na magandang impluwensiya sa kanya ang boyfriend na si Gerald Anderson na kabaligtaran naman ng mga nababasa namin mula sa mga hindi pabor sa kanilang relasyon.

Sabagay, bumabase rin naman ang bashers sa mga nakikita nilang posts sa social media accounts ng dalawa na puro kasiyahan ang ginagawa.

Recently nga ay may nabasa pa kami na dahil daw kay Gerald kaya hindi nakapunta si Julia sa kaarawan ng inang si Marjorie Barretto at sa video call na lang sila nagkausap.
Haka-haka ng netizens, baka raw magkasama sina Julia at Gerald sa beach resort ng aktor at namimingwit ng isda sa gitna ng dagat.

Anyway, sa panayam ng Metro kay Juliakamakailan ay natanong kung bakit niya nasabi na good influence si Gerald sa kanya.

“This question made me quite emotional thinking about all the improvement I’ve noticed in myself since being with him.

“I’m not sure he realizes the impact he’s had in my life. Gerald has made all my complicated, simple. In all situations, he helps put things into proper perspective for me.

“He has grounded and humbled me as a person. I am grateful everyday that I have a partner that looks out for me, fuels me and drives me to become a better person, for everyone and most especially for myself,” kuwento ng aktres.

Pambubuking pa ni Julia, “Gerald off-cam is a funny guy. I don’t think this is a side of him many know. He has a unique humor that cracks me up all the time.”

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyan daw na naka-quarantine si Julia para sa bago nitong proyekto kaya hindi siya nakadalo sa kaarawan ng ina.

The post Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments