Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Julia bukelya: nagsinungaling raw sa vlog ni Gerald tungkol sa isaw

HINDI nakaganda kay Julia Barretto ang guesting niya sa vlog ng boyfriend niyang si Gerald Anderson sa episode na “My Special Guest Tries Filipino Street Food”.

Dito kasi sinabi ng aktres na first time raw niyang kakain ng isaw at gagawin lang niya ito para sa aktor.

Ngunit binasag ng netizens ang pahayag na ito ng dalaga at kaliwa’t kanan na ang pagkalkal ng mga larawan at video para patunayan na matagal na siyang nakakain ng isaw kasama pa ang dati niyang ka-loveteam na si Ronnie Alonte.

Maraming nag-post sa YouTube ng larawang bumili ng isaw sina Ronnie at Julia at sa loob ng sasakyan nila ito kinain at nasabi pa ng dalaga na, “It’s good.”

Kung hindi kami nagkakamali ay nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Vince and Kath and James” noong 2016.

Nakalkal din ng netizens ang guesting naman nina Julia at Enrique Gil sa “Gandang Gabi Vice” noong 2014 na may titulong “JULIA BARRETTO ‘ISAW FIRST TIME’ GANDANG GABI VICE.”

At hindi lang isaw ang kinain ni Julia sa “GGV” kundi pati betamax (dugo ng manok) kung saan nagsubuan pa sila ni Enrique at nang kainin nga nila ang isaw ang sabi ng aktres, “Masarap siya.”

Lukang-luka ang netizens sa drama ni Julia sabay tanong kung bakit niya itinanggi na hindi pa siya nakakakain ng isaw sa vlog ni Gerald?

Komento ng isang netizen kay Julia, “Di pa rin ako maka-move one dito.  I mean Julia B denying the pambang street food.  ISAW is iconic ha ha.  ‘Wag kayo mag-alala aamin din ‘yan after 2 years, antay lang tayo mga marz.”

Sabi rin ng isa pa, “We refuse to be your victims, stop lying.”

Hirit pa ng isa kay Julia, “LMAO Julia Barretto is THIS U?  Sis got EXPOSED, tried to look cute for her lil bf and tried hard to act like she never tried street food before.  Ya gurl, ended up lookin’ like a clown!  I’m embarrassed for u @barrettojulia.  Bea Alonzo and Joshua Garcia R free from these clowns.”

Ano kaya ang reaksyon ni Julia sa mga naglabasang video at litrato tungkol sa pagkain niya ng isaw? At ano rin kaya ang reaksyon ni Gerald sa pambubuking ng netizens sa girlfriend niya?

The post Julia bukelya: nagsinungaling raw sa vlog ni Gerald tungkol sa isaw appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments