ANUMANG araw mula ngayon ay makakasama na ng Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Ching ang kanilang panganay na anak.
Aminado si Juancho na habang papalapit na ang araw ng panganganak ng kanyang misis ay mas tumitindi ang nararamdaman niyang kaba at pressure bilang first-time dad lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya.
“The pressure of being a father and husband is a lot. My preparation and focus right now is towards that. Just like Joyce and her preparation sa pagiging mom and giving birth,” pahayag ni Juancho sa panayam ng GMA.
Kuwento ng Kapuso actor at TV host, feeling naman niya ay ready na siya sa paglabas ng kanilang baby dahil talagang pinaghandaan na nila ito ni Joyce. Bukod sa pagbabasa ng ilang libro ay nakikipag-usap din sila sa mga kakilalang may mga anak na.
“I am also trying to do my part by reading materials and talking to contemporaries na dads also.
“Preparing everything for Joyce and adjusting what she needs at this moment is my focus right now,” sey ni Juancho.
Ibinahagi rin ng aktor kung paano niya binabalanse ang kanyang panahon para magampanan ang kanyang trabaho sa showbiz, ang pagiging businessman at asawa and very soon nga ay ang pagiging tatay.
“Nowadays, mas madali kasi nasa bahay lang kami. Tatawid lang ako, magtatrabaho nang kaunti then, punta na ako sa kanya, spend my time intentionally with her na,” tugon ni Juancho.
In fairness, kahit na nga maraming inaasikaso, may panahon pa rin sila ni Joyce para sa kanilang date nights, “In general, kami ni Joyce we set schedules for the week. Talagang may calendar kami ng mga gagawin namin.
“Nagsi-set kami ng date nights and sini-send ko sa kaniya kapag may schedule ako na I need to do with my business or work with GMA or other work actually in general so she knows what to do also and to keep herself busy as well,” pahayag pa ng aktor.
The post Juancho inaatake na ng nerbiyos: The pressure of being a father and husband is a lot appeared first on Bandera.
0 Comments