NANINIWALA ang bagong Kapamilya star na si Jake Ejercito na kahit anong gawin niya ay hindi mawawala ang mga bashers at bully sa social media.
Sa mga susunod na buwan ay magiging mas visible na ang binatang ama sa telebisyon dahil sa mga naka-line up niyang proyekto sa ABS-CBN, kabilang na riyan ang upcoming series niyang “Marry Me Marry You”.
Sa nakaraang virtual presscon ng Dreamscape Entertainment para sa nasabing teleserye kung saan makakasama ni Jake sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, natanong ang aktor kung paano niya hina-handle ang mga haters sa socmed.
Sabi ng anak ni dating Pangulong Erap Estrada, ngayong mas madalas na nga siyang mapapanood sa TV handa na siya sa mga pagpuna at pang-ookray ng mga bashers.
“Growing up kasi my dad was a senator and when I grew up he was the vice president hanggang naging presidente siya.
“And with what happened in his political career, parang bata pa lang kami sanay na kami ng siblings ko sa bashing, eh,” pahayag ng aktor.
Aniya pa, “It’s been a part of our life. I got bullied in school. Lahat yan pinagdaanan namin. Wala na po yun. Practice the art of deadma, yun na lang.”
Naikuwento rin ni Jake na kahit noong bata siya ay mahilig na rin siya sa showbiz dahil nga sa ama niyang si Erap at sa nanay niyang si Laarni Enriquez na dati namang aktres.
Hindi man daw siya agad pumasok sa pag-aartista, matagal na siyang fan ng Pinoy movies lalo na ng mga pelikula ng Star Cinema.
“When I was based in London, I was based there for quite a while, like three to four years, all we had was TFC. Kapag naho-homesick kami.
“I would even buy DVDs kapag nandito ako sa Manila. Dadalhin ko, babaunin ko du’n mga movies ni John Lloyd (Cruz) and Sarah (Geronimo). Talagang kapag homesick kami, TFC yung pinapanlod namin ng sister ko,” pagbabalik-tanaw ni Jake.
At ngayong nasa ABS-CBN na siya, looking forward ang aktor sa mga gagawin niyang project sa network. Nabanggit pa nga niya ang payo sa kanya ng kaibigang si Donny Pangilinan na isa na ring Star Magic artist ngayon, “I remember si Donny nung nakasama ko siya ang sinasabi niya, ‘Just wing it. Just enjoy the ride.’
“The nerves, yung jitters will always be there and it’s part of the job and it’s actually a good thing. Just enjoy the ride and that’s what I’m trying to do,” sey pa ni Jake.
Kung wala nang magiging problema, anytime now ay magsisimula na ang taping ng “Marry Me, Marry You”, “I already told my daughter Ellie na I’ll be away for two to three weeks and it’s actually really exciting for me.
“Sa cast I only know si Adrian Lindayag. Apart from him, it will be my first time meeting everyone else. So I just look forward to the experience.
“It will be my first time entering a bubble. I think parang it’s better for me kasi I’ll be able to put more focus into the work in everything that I have to do than outside na madaming distractions. So I guess it’s talagang better for everyone, magiging efficient and it will be faster also,” kuwento pa niya.
Pero inamin ni Jake na siguradong malulungkot din siya dahil matagal silang hindi magkakasama ng anak niyang si Ellie, “Yun lang yung medyo mahirap yung hindi kami magsasama pero I’m trying to work out a schedule with her mom, with Andi (Eigenmann).na kung kailan ako nasa lock in nasa Siargao si Ellie para mas maayos.”
The post Jake nabiktima rin ng pambu-bully sa school: Kaya sanay na ako sa mga basher appeared first on Bandera.
0 Comments