Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Hirit ng fans ni Andre sa tsismis sa kanila ni Rabiya: Nag-picture lang dyowa na agad?!

BINIGYAN ng malisya ng mga netizen ang larawan nina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ng ex-Pinoy Big Brother  housemate na si Andre Brouilette.

Ito yung picture na ipinost ni Andre sa kanyang Instagram account na kuha habang nagla-lunch sila sa isang restaurant sa Beverly Hills kasama ang isang kaibigan.

Ang caption ng binata sa nasabing litrato, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.” Bukod dito ay may larawan pang magkasama ang dalawa sa tapat din ng resto sa nasabing lugar.

Binisita namin ang IG account ni Andre at may iba pang larawang naroon na magkakasama sila ni Rabiya.

At dahil mabilis kumalat ang tsismis ay ipinagtanggol kaagad si Andre ng kanyang supporters. Komento ni @andrebrouiletteph, “Kung kasali kaya ako sa photo na ‘yan, mai-issue din kaya ako? FYI. Andre is a correspondent of Empire Philippines who covered and hosted Miss Universe.

“Its only but natural to have a simple photo memory with a beautiful Miss Universe. Nag-picture lang jowa na agad? Nasa IG story lang, sila na agad? Pag nagpa-picture ako kay Andre, kami na? Ganern ba yern? Kaloka!!

“Sige kain lang kau jan. Ikain niyo na rin pati chismosang mas naiintindihin nila ang pagchi-chismis kesa trabaho nila. @andrebrouillette @rabiyamateo,” sabi pa ng nasabing IG user.

Bago ito, pinabulaanan na rin ni Rabiya ang tsika tungkol sa kanila ni Andre sa kanyang IG stories kagabi kung saan ginamit niya ang mga hashtags na #Friends, #Workmates, #NoMalice, #Empire, #Mercator at #ImNotAvailable.

Kaya naman nakahinga na nang maluwag ang supporters ni Rabiya pati na ng boyfriend niyang si Neil Salvacion, lalo na nang mag-comment pa ang dalaga sa litrato ng binata na nasa Matabungkay beach at nakaupo sa bangka.

Ang caption ni Neil sa kanyang post ay, “vacSEAnated.”

Komento naman ni Rabiya, “Payat siya, eh.” Na ibig sabihin ay nangangayayat na ang boyfriend niya.

Sagot ni Neil sa dalaga, kaya raw siya payat ay dahil, “Sinegwelas for days.”

Ibig bang sabihin puro sinegwelas lang ang kinakain ng binata? Ala eh, baka maging buto’t balat na siya pagdating ni Rabiya.

The post Hirit ng fans ni Andre sa tsismis sa kanila ni Rabiya: Nag-picture lang dyowa na agad?! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments