Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Desiree del Valle buntis na sa unang baby nila ni Boom Labrusca

BUNTIS na ang Kapamilya actress na si Desiree del Valle sa unang baby nila ng asawang aktor na si Boom Labrusca.

Ibinahagi ni Boom ang good news sa madlang pipol sa pamamagitan ng kanyang social media account ngayong araw.

Nag-post ang aktor sa Instagram ng ilang litrato ni Desiree na naka-two-piece bikini kung saan kitang-kita na nga ang baby bump nito.

Ang isinulat na caption ni Boom sa pregnant photos ng kanyang misis, “Believe in what you Pray for …’At the right time, I, the Lord will make it happen’ Isaiah 60:22.”

Ayon pa kay Boom, halos isang buwan na ang nakararaan nang malaman nilang nagdadalang-tao at nasa second trimester na ang pagbubuntis ng aktres.

“We found out April 22 , 2021. 17 weeks and counting. Salamat po Ama. Cant wait to see you baby,” mensahe pa ng aktor.

Ipinakita rin ni Boom sa kanyang mga IG followers ang litrato ng sonogram ng kanilang baby matapos nga nilang matanggap ang pregnancy test result ng aktres.

May ipinost din siyang photo ng future mommy habang nagbo-blow ng candle sa kanyang cake. Ngayong araw nagdiriwang ng kanyang birthday ang aktres.

Caption niya sa litrato ng asawa, “Btw it is also my darling’s b-day today. So Happy Happy bday to my best friend, my wife, my Life.”

Ikinasal ang celebrity couple sa isang intimate at private ceremony  sa South Lake Tahoe sa California, USA.

Limang taong naging magdyowa sina Desiree at Boom bago nagdesisyong magpakasal. At ang ipinagbubuntis nga ng aktres ay ang first baby nila.

Si Boom din ang tatay ng sikat na ring hunk actor ngayon na si Tony Labrusca.

The post Desiree del Valle buntis na sa unang baby nila ni Boom Labrusca appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments