NAGKAROON ng pagkakataon na makapag-heart-to-heart talk ang mag-amang Julia Barretto at Dennis Padilla na kanila ring ibinahagi sa publiko.
Nangyari ito sa latest vlog ng aktres sa kanyang YouTube channel kung saan naitanong niya sa kanyang ama ang ilang kontrobersyal na isyu tungkol sa kanilang relasyon.
“I’m so excited for this conversation because I don’t think we’ve had a lot of conversations like this wherein I ask you questions about being an actor, being a dad, talking about relationships.
“So, I’m really looking forward to asking you questions that I’ve never asked you before,” simulang pahayag ni Julia.
Isa sa mga question ni Julia ay ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang — natapos ang relasyon nina Dennis at Marjorie Barretto noong 2007 at 10 years old pa lamang noon ang girlfriend ni Gerald Anderson.
Paliwanag ni Dennis, “Kahit naman siguro hindi kami nagkaproblema sa marriage contract, ‘yung relationship namin became rocky because of my attitude, because of my temper.
“Marami rin akong dinaanan nu’n kaya ako naging ganu’n. Ang mommy mo, marami ring dinaanang pagsubok dahil sa ugali ko,” pahayag pa ng aktor.
“Actually, I’m the one to be blamed. Walang kasalanan ang nanay mo. Kasalanan ko ‘yun,” dugtong pa niya tungkol sa paghihiwalay nila ni Marjorie.
Sunod na tanong ni Julia sa ama kung anong legacy ang nais niyang iwan sa kanyang mga anak, “Gusto ko lang matandaan niyo na mapagmahal akong tatay and ipaglalaban ko kayo kahit sa kamatayan.”
Ano naman ang “most fulfilling part of being a father” para sa komedyante? “Well, number one noong malilit pa kayo, bago ka umalis ng bahay, excited ka makauwi agad. Siyempre fulfilling ‘yung na-susupport mo sila. Tapos madalas kayong nag-uusap.
“‘Yung pagiging tatay naman ‘yung pinakasimpleng ginagawa niyo sa loob ng bahay, ‘yun ang memorable. ‘Yung naglalaro lang kayo du’n sa kama. So na-realize mo ‘diba sa pandemic naging back to basic ang buhay,” paliwanag pa ni Dennis.
Samantala, nagbahagi rin ang veteran actor at komedyante ng ilang realization niya matapos maka-survive sa laban niya kontra COVID-19.
‘”Alam mo as the years go by, especially as I was about to die nu’ng March 14 hanggang March 15 ng madaling araw, nag-flashback sa akin lahat ng buhay ko.
“Mula nu’ng elementary ako. And I saw all my mistakes. I saw it. It was all like a dream. Isa-isang pumapasok.
“Alam mo ‘yung isang event na pumasok sa buhay ko nu’ng akala ko wala na ako, siguro mga 10 frames per second. Ganu’n kabilis. Siguro na-summarize ko ‘yung buhay ko nang wala pang dalawang oras. That’s fast,” emosyonal pang kuwento ni Dennis.
Mensahe naman ni Julia sa kanyang ama, “Thank you, Pa. We really appreciate you sharing your story and not only that.
“It’s so brave of you and I appreciate your courage to own up what you feel is your shortcomings and your COVID journey sort of put a lot of things into perspective for you.
“And because of that, it brought a lot of forgiveness. And I think one of the most important things in life and with the people that you love is being able to forgive each other,” pahayag ng dalaga.
Dagdag pa ni Julia, “And I appreciate it because you know how much I love mom, how protective I am of her. So, I appreciate hearing all of these things.”
The post Dennis ‘nangumpisal’ kay Julia: Walang kasalanan ang nanay mo, kasalanan ko ‘yun appeared first on Bandera.
0 Comments